ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 16, 2024
Nagbahagi ng opinyon ang aktres na si Kim Chiu ukol sa pakikipagkaibigan sa ex-partner sa isang media roundtable para sa kanilang sikat na serye na "Linlang" na ginanap sa Dolphy Theater noong ika-15 ng Enero.
Sinabi ni Kim na nangangailangan ng oras ang pagiging civil sa isang tao na minsan mong minahal.
"Lahat naman ng sugat hindi naman siya agad-agad gumagaling. So lahat ng panloloko, hindi mo kaagad mapapatawad. So I think it involves time and acceptance," pahayag niya kaugnay sa mga karakter na cheater sa TV series.
Bukod sa kanyang opinyon ukol sa pagiging civil sa isang ex-partner, napunta sa hot seat si Kim nang tanungin siya kung handa na siyang magmahal muli.
"Oo naman. Hindi man sa ngayon muna pero hopefully in the next months to come. Ay hindi, years pala," aniya.
"Marami namang kayang magbigay ng love, sa work, sa family and friends and willing naman akong tumanggap. And basta kasali sa buhay 'yun, so i-embrace natin 'yun," dagdag niya.
Comments