top of page
Search
  • BULGAR

Kilig na raw sana, may panira pa… ALDEN, UMAKBAY KAY KATHRYN, PIOLO AGAW-EKSENA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 31, 2024



Showbiz news
Photo: KathDen

Bad trip ang ilang KathDen (Kathryn Bernardo-Alden Richards) fans kay Piolo Pascual dahil du'n sa viral video na kuha sa nakaraang FAMAS Awards.


Makikita kasi sa naturang video na magkakatabing nagpapiktyur sina Alden, Kathryn at Piolo kung saan nasa gitna ang aktres, nasa kanan niya si Alden at nasa kaliwa naman si Papa P.


Bago nagpakuha ng picture ang tatlo, akmang aakbayan ni Alden si Kathryn at sumayad na nga ang kaliwang kamay nito sa balikat ng aktres.


Ang siste, umeksena itong si Papa P. at nagpa-cute nang nagpa-cute kay Kathryn at sa photographer sabay dikit ng kanyang katawan at paglapit pa ng mukha sa pisngi ng aktres.


Sey tuloy ng ilang KathDen fans, panira at panggulo raw si Papa P. sa kilig moments na sana nina Kathryn at Daniel.


Eh, teka, bakit kaya hindi na lang sila pagsama-samahing tatlo sa isang pelikula at baka challenging kung this time ay magiging third party naman si Papa P sa Kathryn-Alden love story, devah?


Feel n'yo 'yun? Tsuk and more tsuk!!!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page