ni MC @Sports | August 24, 2024
Matapos na magtagumpay ang Pilipinas sa Olympic games isa sa kahanga-hanga ang istorya ni Angel Otom bago pumalaot sa pinakamalaking kompetisyon sa mundo.
Ang journey ni Otom sa Paralympics 2024 ay inaasahan na ng kanyang coach mula pa noong 2021 base na rin sa kanyang performance bilang batang para swimmer.
Masipag siya sa kanyang mga praktis at training at dahil sa suporta ng pamilya at mga kaibigan.
Kakatawanin ni Otom ang bansa sa para swimming sa women's 50-meter backstroke. Siya ang unang Phl para athlete na nagwagi ng 4 na gold medals sa 12th ASEAN Para Games sa Phnom Penh, Cambodia.
Si Allain Keanu Ganapin ang nag-iisang taekwondo jin sa delegasyon. Nakatiyak siya ng tiket nang umangat sa Asian Qualification Tournament sa Tai’an City, China.
Ito ang kanyang ikalawang kuwalipikasyon sa games matapos magkuwalipika sa nakaraang edisyon na Tokyo Paralympic Games 2021.
Si Ernie Gawilan ay isa sa 'most accomplished Paralympic athletes ng bansa, ang swimmer na si Gawilan ay lalangoy para sa ikatlong Paralympic appearance makaraang umangat sa Minimum Qualifying Standard. Ang 33-anyos na si Gawilan ang unang Pinoy paralympic na nagwagi ng ginto sa Asian Para Games 2018, siya rin ay isang multi-time ASEAN Para Games gold medalist at itinuturing na may pinakamalaking tsansa na magkamedalya sa Paris ngayong taon.
Ang athletics wheelchair racer naman na 44-years old na si Jerrold Mangliwan ang mangunguna sa delegasyon ng Pinoy bilang top contender din sa ikatlong Paralympic appearance.
Top contender naman si Cendy Asusano ng athletics javelin throw. Sa edad 34, si Asusano ay multi-time ASEAN Para Games gold medalist.
Sa larangan naman ng archery si Agustina Bantiloc na sa edad 55 ang unang Filipino Paralympic archer na lalarga sa Paralympics. Ranked 30th sa mundo at handang patunayan na hindi pa huli ang lahat.
Comments