EJ Obiena, wagi ng ginto sa Asian Indoor Athletics Championships
- BULGAR
- 7 hours ago
- 1 min read
by Info @Sports News | February 8, 2026

Photo: EJ Obiena - Instagram
Nasungkit ng Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena ang gintong medalya sa Asian Indoor Athletics Championships sa Tianjin, China nitong Sabado, Pebrero 7.
Isang attempt lamang ang kinailangan ni Obiena para ma-clear ang winning height na 5.70 meters sa finals, habang nabigo naman si Li Chenyang ng China sa lahat ng pagtatangka nito sa parehong bar dahilan para makakuha ng silver medal matapos lampasan ang 5.60m.
Kahit hawak na ni Obiena ang Asian record na 5.93 meters mula sa ISTAF Indoor meet noong Pebrero 2024, sinubukan pa rin niyang ma-clear ang 5.80m pero nabigo siya sa lahat ng kanyang tatlong attempt.
Nakumpleto naman ng isa ring Chinese vaulter na si Chen Yang ang podium para sa bronze makaraang ma-clear ang 5.40m.




