top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Kilalanin ang bagong President at CEO ng SSS

  • BULGAR
  • Jan 12, 2023
  • 1 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | January 12, 2023


Hello, Bulgarians! Makabuluhang ginanap noong Enero 10, 2023 sa SSS Main Office, Quezon City ang SSS turnover ceremony ng dating Social Security System (SSS) President and CEO Michael G. Regino, kasama ang newly appointed Acting President and CEO Rolando L. Macasaet.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Regino ang kanyang suporta kay Acting President and CEO Macasaet at sa SSS, na hinihikayat silang magtakda ng mas mataas na pamantayan ng kahusayan para sa kapakinabangan ng mga manggagawang Pilipino.


Bilang tugon, kinilala ni Macasaet ang mga pagsisikap ni Regino na nagtulak na mas mapabuti ang SSS. Nangako siyang patuloy na bubuo ng landas upang mapaunlad ang institusyon, maghahanap ng mga bagong paraan para sa kabuuan na mapabuti ang institusyon, kabilang ang mga manggagawa nito at magdoble-sikap upang mabigyan ng makabuluhang proteksyon sa social security ang mga miyembro ng SSS at ang kanilang mga benepisaryo sa kasalukuyan at sa hinaharap.


Si Macasaet ang ika-20 Pangulo at CEO ng SSS. Siya na ngayon ang magiging responsable para sa pangkalahatang pagsasagawa ng mga pagpapatakbo at mga tungkulin sa pamamahala ng SSS, pagsasagawa ng mga programa nito at pagpapatupad ng mga patakaran ng Social Security Commission (SSC), ang pinakamataas na namumunong lupon at policy-making body ng SSS. Gayundin, gagampanan niya ang tungkulin bilang Vice-Chairperson ng SSC.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page