top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kilala raw niya ang anak… PRAMIS NI VILMA: MGA BIKTIMA NG INVESTMENT SCAM, 'DI TATAKBUHAN NI LUIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 20, 2023




Ramdam namin ang malalim na hugot ng Star for All Seasons na si Vilma Santos nang mag-guest siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.


Bilang isang ina, napakasakit na makitang hinuhusgahan ng publiko ang kanyang anak na parang isang kriminal.


Kilalang-kilala niya ang kanyang anak na si Luis na isang matulunging tao at hindi manloloko na tulad ng sinasabi ng mga bashers.


Kaya pakiusap ni Vilma Santos ay siya na lamang ang siraan at saktan, 'wag na lang ang kanyang anak na si Luis Manzano.


Well, sa kabila ng lahat, naniniwala si Ate Vi na malalagpasan ni Luis ang mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan ngayon.


Haharapin ng kanyang anak at hindi tatakbuhan ang kanyang responsibilidad. Malaking halaga rin ang nawala kay Luis Manzano na inilaan niya sa future ng kanyang pamilya.


Ang tanging mali lang na nagawa ni Luis ay masyado siyang nagtiwala sa taong inakala niyang may dignidad at maayos na kausap.


Samantala, may ilang bashers naman ang gumagawa ng kuwento upang madiin lang si Luis Manzano sa kinasasangkutang Fuel Flex scam.


May fake news silang pinalalabas sa social media na diumano ay nagrereklamo rin sina Anne Curtis at Angel Locsin dahil sila man ay na-scam matapos sumosyo o mag-invest din sa Flex Fuel.


At si Luis daw ang nagkumbinse sa kanila na sumosyo roon.


Kinontra ito ng kampo ni Manzano dahil hindi raw totoo ang ipinakakalat na balita.


Hintayin na lang daw ang resulta ng gagawing imbestigasyon ng NBI.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page