top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kilala na raw ng utol… GRETCHEN, PINIPILIT SI CLAUDINE NA PANGALANAN ANG NAGKAKALAT NA MAY UTANG

  • BULGAR
  • Sep 15, 2021
  • 1 min read

SIYA KAY JINKEE


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 15, 2021



Dati nang kumakalat ang chismis na may utang umano si Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao.


For the second time, pinabulaanan na naman ito ng younger sister ni Gretchen Barretto.

Sa latest IG live ni Claudine, sinabi nitong alam na niya kung sino ang nagpapakalat na may utang siya kay Jinkee.


Ang gusto naman ni La Greta ay pangalanan na ni Claudine kung sinuman ang nasa likod ng tsismis.


Ayon kay Claudine, wala raw siyang utang kay Jinkee o kung kanino pa man.

Utang na loob daw ang meron dahil sina Jinkee at Manny ay napakabuti sa kanyang mga anak.


“So, kung sinuman ang nagkakalat niyan, alam na namin kung sino," sey ni Claudine.

Dahil hindi mamatay-matay ang utang isyu, sabi naman ng kanyang Ate Greta, "Ba't hindi mo pa aminin, babe, kung sino. You can just tell the truth..."


Pero mas pinili ng aktres na manahimik na lang.


"God bless," nasabi na lang ni Claudine sa taong nagpapakalat ng tsismis against her.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page