top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kiko, kaya pala inilaglag, Sharon… MARICEL, DUMALAW SA BAHAY NI SEN. TITO AFTER ELECTION

BULGAR
May 18, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 18, 2022



Na-reveal na ang kandidatong sinuportahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano para sa pagka-bise-presidente last election.


Ipinost ni Ciara Sotto sa kanyang Instagram ang piktyur ng kanyang mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa kasama ang Diamond Star.


Si Sen. Tito ay tumakbo bilang bise-presidente nitong katatapos lang na halalan.


Caption ni Ciara sa kanyang IG post, “This beautiful soul visited us last night. Our dear Ate Marya @officialmaricelsoriano, we missed you so much! Always remember that we love you and you’ll always be part of our family. Thank you for always making us feel loved."


Sa pagdalaw ni Marya sa bahay ng mga Sotto ay malinaw na sa lahat kung bakit wa' niya mention at endorse si Sen. Kiko Pangilinan for VP sa dinaluhang rally ng Diamond Star sa kampanya ni VP Leni Robredo.


That’s exactly ‘yung na-mention namin dito sa aming column sa BULGAR kung bakit deadmalur sa pag-eendorso si Marya kay Sen. Kiko kahit pa bonggang-bongga ang ginawang pagpapakilala kay Diamond Star ni Megstar Sharon Cuneta sa rally.


Pawang “Leni, Leni, Leni” lang ang binanggit ni Marya during her speech sa rally ng Kakampink sa Pasay.


Na-feel agad namin na may iba siyang “manok” for VP at ‘yun ay 'di si Sen. Kiko kundi si Sen. Tito na mister ng tiyahin ni Mega na si Helen Gamboa.


“Ayan, kaya maski todo-intro ni Sharon kay Maricel, pero 'di pa rin binanggit si Kiko. 'Di naisip na mas matimbang si Tito Sotto who treated Maria like family.”


“Ay, kaya pala 'di binanggit name ni Sen. Kiko noon. Alam na!”


“Nagkalamat ang pamilya dahil sa pulitika, how sad!”

“Waiting for Sharon Cuneta to visit the Sottos. After all, they are family. O, baka magulat pa kayo, ha?”


May netizens na pinuna ang caption ni Ciara. Tila may pinatatamaan daw ito.

“Ciara, palaging may patama."


Dinepensahan naman ng ibang netizens si Ciara, "Saan ang patama d'yan? Feeling n'yo lang 'yun! May dapat bang tamaan?”


“Hindi ko ma-identify ang patama d'yan.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page