Kesa maghanap daw ng bagong dyowa kapalit ni Jak… DAVID KAY BARBIE: MAGPAYAMAN KA MUNA
- BULGAR

- Jun 27
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 27, 20255
Photo: Jak at Barbie - IG
Dahil successful sa kanyang mga negosyo si David Licauco, madalas ay tungkol sa negosyo ang topic nila ng kanyang ka-love team na si Barbie Forteza kapag nasa taping o shooting sila.
Nagse-share ng tips at advice sa pagnenegosyo si David kay Barbie. At noong kabe-break lang ng aktres kay Jak Roberto, para madaling maka-move on ay pinayuhan ni David si Barbie na “Magpayaman ka muna” sa halip na humanap ng bagong mamahalin.
Kaya naman, aliw na aliw si Barbie kay David. Maganda ang working relationship ng BarDa (Barbie at David). Ayaw nilang magkunwari para lang mapasaya ang mga BarDa fans.
Pagdating sa trabaho ay very professional sina Barbie at David, nagkakatulungan sila para i-push ang kanilang career.
Pero ang BarDa fans ay may nararamdamang spark at excitement kapag magkasama sina Barbie at David Licauco. Hindi na lang daw para sa kanilang career dahil may ‘something special’ nang nabubuo sa tambalan nila, at nakikita ito sa kanilang mga body language.
At kahit pinaghiwalay muna ng GMA-7 ang BarDa, marami pa rin ang kinikilig na mga fans at nakikiusap sa Kapuso Network na pagtambaling muli sa isang serye sina Barbie Forteza at David Licauco.
Nakahanap ng katapat kay Vincent… BEA, AYAW SA LALAKING SUNUD-SUNURAN LANG SA KANYA
Very intimidating ang personalidad ni Bea Alonzo. Bukod kasi sa sikat na artista ay bilyonarya na ito sa dami ng kanyang investments, negosyo at mga properties na naipundar.
Hindi basta-basta manliligaw sa kanya ang lalaking middle-class lang at walang kabuhayan na maipagmamalaki. Kailangan na mapantayan o mahigitan ang kanyang yaman ng lalaking kanyang pakakasalan.
Well, hindi rin uubra kay Bea ang basta pogi lang ang lalaki. Kung gusto niyang mapalapit sa businesswoman-aktres, kailangang smart at malawak ang kaalaman niya sa maraming bagay.
Sa interview ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), sinabi ng aktres na ang hanap niyang katangian sa lalaking mamahalin ay ‘yung kaya siyang paamuin at kontrolin. Isang lalaking malakas ang personalidad at hindi sunud-sunuran lang sa kanya.
At mukhang ang billionaire businessman na si Vincent Co na ang nagtataglay ng mga katangian na pasado sa standard ni Bea. Hindi magiging issue sa kanila ang naipundar nilang kayamanan.
May sariling negosyo at yaman si Bea, hindi siya maaakusahan na kayamanan lang ng pamilya ni Vincent Co ang habol niya.
At dahil boss ng malaking kumpanya, hindi magiging sunud-sunuran kay Bea si Vincent. Perfect match kung magkakatuluyan sila.
‘Di pa man annulled… RICHARD, MAY BARBIE NA, SARAH, MAY MARTY DIN
KASALUKUYANG nasa proseso ng annulment ang kasal nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, kaya hindi na ginagawan ng isyu kung karelasyon ngayon ni Sarah si Councilor Marty Romualdez ng Tacloban, Leyte na anak ni Speaker Martin Romualdez.
Kahit may 2 nang anak ay naaalagaan ni Sarah ang kanyang figure at ang ganda-ganda pa rin niya. Mukha pa ring dalaga si Sarah at sosyal na sosyal ang kanyang aura.
For sure, hindi hahadlang si Richard kung magkaroon ng karelasyon ngayon ang kanyang estranged wife. Besides, may Barbie Imperial naman siya ngayon.
Deserve nilang pareho ang lumigaya at magkaroon ng inspirasyon at puwede naman silang maging magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak.










Comments