Kennon Road, Baguio City, isinara muna dahil kay ‘Karding’ – DPWH
ni Lolet Abania | September 24, 2022

Isinara pansamantala sa mga hindi residente ang Kennon Road sa Baguio City, bilang bahagi ng pag-iingat sa posibleng paghagupit ng Severe Tropical Storm Karding, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ng DPWH-Cordillera Administrative Region na ang Kennon Road ay kanilang isinara muna maliban sa mga residente ng lugar simula ngayong Sabado upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
“All motorists (non-residents) are advised to pass thru Marcos Highway, Baguio-Bauang Road (Naguilian Road), or Asin-Nangalisan-San Pascual Road,” batay sa advisory ng ahensiya na inilabas nitong Biyernes.
Ayon sa PAGASA, ang Bagyong Karding ay maaaring mag-landfall sa Linggo ng umaga o hapon sa buong lugar ng Aurora o Isabela.
Sinabi rin ng PAGASA, “Karding is expected to further intensify into a typhoon before landfall over Central or Northern Luzon, and will highly likely remain a typhoon while crossing the landmass.”
Batay pa sa PAGASA, pinalalakas din ng tropical storm ang Southwest Monsoon o Habagat, kung saan makakaranas ng paminsan-minsang pag-ulan simula ngayong Sabado o Linggo sa maraming bahagi ng Southern Luzon at sa Visayas, lalo na sa kanilang western sections.





Comments