top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kelot, todas sa pulis

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2023
1 min read

ni Loraine Fuasan (OJT) | April 3, 2023




SOUTHERN ISRAEL — Patay ang isang lalaki matapos nitong agawin ang baril ng isang opisyal, kaya pinaputukan ito ng baril, malapit sa al-Aqsa mosque sa Jerusalem, noong nakaraang Biyernes.


Napag-alaman na ang biktima ay edad 26, na residente ng Hura at isang Arabo, sa katimugang Israel.


Dagdag pa nito, nangyari ang insidente sa Jerusalem’s Old City, nang pinipigilan ng mga opisyal ang lalaki sa pagtatanong nito sa kanila tungkol sa labas ng mosque compound na itinuturing na ikatlo sa pinakabanal na lugar ng Islam.


Iniulat ng Associated Press, simula noong nakaraang tagsibol, tumaas ang porsyento ng karahasan sa pagitan ng Israel at ng mga Palestinian. Sa taong ito, nasa 81 Palestinian na ang napatay ng Israeli, karamihan sa mga napatay ay mga militante. Habang nasa 15

Israelis naman ang napatay ng mga Palestinian.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page