top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot nag-amok sa eroplano, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2023
1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 8, 2023




USA — Arestado ang isang lalaki noong Linggo, matapos umanong i-disarm ang pintuan ng eroplano habang nasa himpapawid at pagtangkang pananaksak sa isang flight attendant.


Nakilala ang suspek na si Francisco Severo Torres, 33, pasahero ng United Airlines patungong Boston.


Ayon sa imbestigasyon, nakatakdang lumapag ang eroplano wala pang isang oras nang matuklasan ng isang cockpit crew na nadisarmado ang pintuan. Nadiskubre naman ng isang flight attendant na nagalaw nga ang lock handle.


Naghinala ang mga crew na si Torres ang suspek dahil una nila itong nakita na 'di mapakaling naglalakad sa pintuan ng eroplano. Agad nilang kinompronta si Torres, na siya namang inatake ang biktima sa leeg gamit ang sirang metal na kutsara nang 3 beses.


Dahil sa nasabing pag-aamok, nahatulan ang suspek ng Department of Justice (DOJ) sa parusang pagkakakulong hanggang limang taon at multa hanggang $250,000.


Samantala, ipinapalagay pa rin ng DOJ ang pagka-inosente ni Torres. Banned na rin ang suspek sa pagsakay sa United Airlines.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page