top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kean Cipriano, todo support kay Andrea Brillantes

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 22, 2024




Ibinulgar ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na naging supportive raw ng "Senior High" co-star na si Kean Cipriano sa kanya.


Matapos matanong sa isang panayam kung ano ang ginanapan nina Angel Aquino at Kean sa pagbibigay gabay at suporta sa aktres, sinabi nitong lagi siyang kinakamusta ng dalawa ngunit ang singer at aktor daw talaga ang nagpapagaan at nagpapaliwanag ng mood ni Andrea.


Inispluk din ni Andrea na may respeto sila sa mga boundary ng isa't isa dahil focus sila sa mga emosyunal na eksena.


Kahit daw palabiro ang Kuya Kean ng aktres ay binabawasan nito kapag mabigat na ang gaganapan nilang scene at pinapagaan nito ang mga bagay.


Super na-appreciate naman daw ng aktres ang kanyang naging kuya-kuyahan sa set.

Inamin naman ng aktres na naging pinakamalapit daw talaga siya kina Angel at Kean dahil nakakapag-open up siya sa mga ito ng kanyang mga problema na minsan ay hindi niya masabi sa kanyang ina dahil nahihiya siya.


Sey nga ng aktres, parang naging tropa niya na ang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page