KC, NAKIPAG-BONDING NA KAY SEN. KIKO, NEXT SA MGA UTOL

ni Rohn Romulo @Run Wild | September 11, 2026

Photo: KC Concepcion at Kiko Pangilinan - IG
Ipinagmalaki ni KC Concepcion ang ilang photos na kuha sa date night nila ng kanyang stepfather na si Senator Kiko Pangilinan.
Masayang caption ni KC sa IG post, “Finally… date night with Dad. Missed this.
"Good food, great stories, the best life advice.
"LOVE quality time with my family.”
Hindi rin niya kinalimutang batiin ang kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta sa newest series nito sa Prime Video PH.
“Ma, congrats on Honor Thy Mother premiere! @reallysharoncuneta."
Pahabol pa ni KC, “More family QT (quality time) soon.”
Sa naturang dinner date na ibinahagi ni KC sa social media, makikitang naglaan ng quality time ang aktres para makipagkuwentuhan kay Sen. Kiko.
Maituturing niya itong isang meaningful family moment, bagay na ikinatuwa ng kanilang mga tagasuporta.
Bukod sa personal na kuwentuhan, humingi ng advice si KC para sa katulad niyang ‘young guns’...
Ang mga naging payo naman ni Sen. Kiko ay ang mga sumusunod:
“Surrender.
"Not all things are with your hands.
"Whatever is not in your hands belongs to God Almighty.
"Everything has a reason. Everything has a purpose.
"There are no coincidences. Just believe, it's gonna be okay."
Hindi na rin bago ang pagiging malapit ni KC sa kanyang stepfather, kahit na nagkakaroon sila ng tampuhan.
Ilang beses na rin namang ipinakita ni KC ang pagpapahalaga niya kay Sen. Kiko, kabilang ang pagbati niya rito sa kanyang ika-63 kaarawan noong Agosto.
At sa kanilang latest bonding, tila mas mahalaga ang naging kuwentuhan at mga payo ng isang ama sa kanyang anak – masasabing may puso, may lalim at may makabuluhang mensahe.
Pinusuan at maraming na-touch sa ginawang ito ni KC at may naiyak pa.
Kaya ang wish ng mga netizens, “Date or bonding with Kakie, KC next time, Please! God bless!”
“Soon with your sisters Miel and Kakie.”
Sana naman, para maging maayos na silang magkakapatid at para one big, happy family.
Shocked nang biglang lapitan ni Mr. Pure Energy… MAKI, NAPAIYAK SA SINABI NI GARY V.
NAIKUWENTO ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na napaiyak ang sikat na sikat sa mga kabataan na si Maki dahil sa kanyang mga binitawang papuri.
Two years ago nang magkita raw sila for the first time habang may rehearsal si Maki sa isang studio ng ABS-CBN at nilapitan-sinabihan ito ni Gary ng, “Thank you.”
Takang-taka raw ang young singer-songwriter at sumagot ng, “Sir, bakit po?”
Sabi naman daw ni Gary, “Maki, your group, your generation, has taken OPM to a level that we’ve always wished it would reach. So, thank you so much.”
Dagdag na kuwento ni Mr. Pure Energy, “And the guy started weeping in front of me.”
Sabi naman daw ni Maki, “Sir naman, dapat kami po ang magpasalamat sa inyo.”
“And I told him, ‘You know, you actually make it not easier but you make it possible for even us, of older generations, to reach younger generations.
“Because there is a surge in people, young generations, wanting to know more about why is OPM now the ones that fill up the charts?” paniwala pa ng OPM icon.
Naniniwala rin si Gary na dahil sa mga batang OPM artists, ang labanan sa charts ay pumalo na sa 60-40. Sixty percent ang OPM at 40 percent naman ang foreign acts.
Samantala, excited na kaming mapanood ang promising young artist na si Kakie na anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan dahil siya ang magiging special opening act sa Back at the Museum ni Gary V. na magaganap sa October 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 at 31.
Mula sa direksiyon ng anak ni Gary na si Paolo Valenciano with Mon Faustino as musical director, ang Back at the Museum ay para sa benefit ng Shining Light Foundation.





Comments