top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KC, nagpakapal ng lips, 'di ma-take ng fans, inokray

  • BULGAR
  • Oct 6, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 06, 2021



Ang lips na naman ni KC Concepcion ang pinagdiskitahan ng mga netizens dahil feeling nila, bagong filler uli ito.


Tanong ng mga netizens, bakit daw gusto ni KC ng makapal na labi, eh, ang ganda na niya at mas maganda siya sa kanyang natural look? Ang feeling din ng mga netizens, sinasadya na ni KC na magpa-filler ng lips para sila’y inisin.


Hindi bashers ni KC ang mga nagko-comment, in fact, followers niya sa Instagram ang mga nagre-react at nag-a-advise sa kanya na tigilan ang pagpapa-filler ng lips dahil nag-iiba ang kanyang hitsura at nawawala raw ang natural niyang ganda. Tingnan nga natin kung makinig sa kanila si KC.


Still on KC, may pa-meet-and greet siya sa mga Pinoy na nasa Beverly Hills sa California sa October 16 at ang iSkin Med Spa na endorser yata siya ang organizer nito.


Iniimbitahan kayo ni KC at doon n’yo na itanong ang isyu n'yo sa lips niya na sa totoo lang, hindi naman talaga isyu.


Also, mukhang magtatagal nga sa LA si KC dahil nagparehistro ito bilang overseas voter at nabanggit na sa LA na rin siya boboto. Sa May, 2022 pa ang election, matatagalan pa nga siya sa ibang bansa, ‘yun ay kung 'di siya babalik muna sa 'Pinas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page