top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya tumataas ang COVID-19 cases, puro pamumulitika kasi ang inaatupag ng mga gov't officials

  • BULGAR
  • Sep 20, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 20, 2021


COVID-19 CASES SA IBANG BANSA, PABABA NA NANG PABABA PERO SA 'PINAS, PATAAS NANG PATAAS--Mula sa dating rank 20, last week nag-number 19 na ang Pilipinas nang malampasan ang Peru sa COVID-19 World's ranking at kamakalawa (Sept. 18, 2021) ay naungusan na rin ng Pilipinas ang Ukraine kaya number 18 na ang 'Pinas sa mga bansa na may maraming tinamaan ng COVID-19.


At kung titingnan ang data ng Worldometer COVID-19 statistic, ang India, Indonesia at iba pang bansa sa mundo na dati ay araw-araw ay maraming tinatamaan ng virus ay pababa na ang daily cases, pero sa Pilipinas ay parami nang parami, tulad kamakalawa na higit 23-K Pilipino ang tinamaan ng deady virus.


Nakakabahala 'yan kasi kung magpapatuloy ang ganyang datos na pababa na ang daily cases sa ibang bansa at pataas nang pataas naman sa Pilipinas, baka magulat na lang ang mga Pilipino na number 1 na ang 'Pinas sa mga nagka-coronavirus sa buong mundo, boom!


◘◘◘


PAMUMULITIKA AT PAGTATANGGOL SA MGA KORUP KASI ANG INAATUPAG IMBES NA RESPONSE SA COVID-19 KAYA PARAMI NANG PARAMI ANG DAILY COVID 19 CASES SA 'PINAS--Kung pakasusuriin ang nangyayari sa Pilipinas, hindi naman kataka-taka na patuloy na dumami ang daily COVID-19 cases sa bansa.


Paano kasi sa IATF (Inter-Agency Task Force) Against COVID-19 sa Malacañang, imbes na magplano ng mga response ng gobyerno kung paano makokontrol ang pagdami ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa ay mas pokus ang pangulo ng Pilipinas sa pamumulitika, sa pagtakbo niyang vice-president at pag-atake sa mga senador na nag-iimbestiga sa korupsiyon sa maanomalyang transaksiyon ng PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) at Pharmally Inc. na may konek kay Yang Hong Ming, aka "Michael Yang," buwisit!


◘◘◘


ANY PERA NG BAYAN AY NAPUNTA SA PHARMALLY, IMBES NA IPAMBILI NG MGA GAMOT NA REMDESIVIR AT TOCILIZUMAB--Sa ngayon ay pumalo na sa 36,583 ang mga Pilipinong namatay sa virus, at sa datos ng WHO (World Health Organization ay pang-21 ang Pilipinas sa mga bansang maraming namatay sa COVID-19.


Kung sana ay 'yung P8.7 billion pera ng bayan na ibinigay na napunta sa Pharmally Inc., kumpanyang pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud ay ipinambili ng mabibisang gamot na panlaban sa COVID-19, tulad ng mga gamot na Remdesivir at Tocilizumab, hindi sana ganyan (36,583) karaming Pilipino ang namatay sa virus, marami sanang nasagip na buhay ang pamahalaan, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


IMBES NA SUPORTAHAN ANG IMBESTIGASYON NG SENADO SA MGA GUMAWA NG KORUPSIYON, PANGULO PA ANG NAGTATANGGOL SA MGA CORRUPT--Imbes na suportahan ni P-Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga nanindikato sa pera ng bayan, todo-pagtatanggol pa si P-Duterte sa PS-DBM, Pharmally at Michael Yang, na kesyo ayon sa pangulo ay wala namang naganap na korupsiyon.

'Yan ang nakalulungkot na nangyayari sa Pilipinas, na 'yung mga nanindikato sa pera ng bayan sa gitna ng pandemya ay ang pangulo pa ng Pilipinas ang nag-a-abogado, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page