top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaya todo-enjoy sa paghimas ng manok… NABULGAR: GRETCHEN, P50 M KADA BUWAN ANG KITA SA SABONG

BULGAR
Sep 20, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 20, 2021



Game na game si Gretchen Barretto sa paghuli ng manok na panabong sa latest video na ipinost niya sa kanyang Instagram. Naaliw ang mga netizens kay La Greta kung paano niya hulihin at hawakan ang manok.


"I like the way Gretchen grabs and holds a cock =)," say ng netizen.


Sa video ay makikita ang ilang lalaking staff ng may-ari ng bahay na sandamakmak ang mga alagang manok na panabong. Kita rin ang isang lalaki na may hawak na mahabang baril.

"Sabongerang-sabongera lang Greta, ah, hahaha!" sey ng isang netizen.


Napansin 'yun ng ilang netizens at pinuna ang tila naiba na raw na "mundo" ni La Greta.

"Anyare sa kanya? Parang nag-iba na ‘yung crowd niya. Wala na ‘yung mga dati niyang girlfriends na lagi niyang ipinagluluto."


"Pandemic kasi, alangang magsama sila at kumain?


"Nasa’n na ba si Mimi Que at bakit hindi na lang sila mag-online shopping?"


"Relax, sa gabi sila nagkikita ng mga friends niya."


May nagtanong din na netizen kung naghihirap na raw ba si La Greta?


"Naghihirap na ba sila ngayon at nagsasabong na lang?"


Pero reaksiyon ng iba, mas yumaman nga raw si Gretchen sa pagsasabong.


"Mas yumaman lalo. They own pitmaster, magka-partner sila ni Atong Ang. Isa sila sa promotor ng e-sabong sa Pilipinas."


"Pitmaster is very lucrative. She earns at least P50 M a month dahil ang daming nag-o-online sabong now."


"Kung alam mo lang kung gaano karaming pera ang nasa sabong."


"Lol! ‘Yan nga nagpapayaman sa kanila. Hahaha! Walang kahirap-hirap kesa sa negosyo."


Pati pagbibigay ng ayuda ni Gretchen sa mga celebrities ay napansin din ng mga netizens.


"Maraming pera si Greta ngayon dahil d'yan. Nagpaayuda nga ‘yan sa mga taga-showbiz. Mga spam pa ipinamimigay, magagandang bigas. In short, mamahalin. Milyon kita ni Greta diyan."

But at the same time, may netizens din ang nagbigay ng babala kung gaano ka-dangerous ang pagsasabong.


"Jusko, maski milyonaryo ka at adik ka sa sabong, asahan mong kulang pa ang yaman mo sa bisyo na ‘yan. Magkandautang-utang ka pa d’yan."


"Masama ‘yang sugal kasi nakakasira ‘yan ng buhay. May balik ‘yan, parang pagpapautang, tapos mataas interes. ‘Yung mga 5-6."


"Pero sa totoo lang, marami nang na-bankrupt sa online sabong nina Atong Ang at Gretchen na ‘yan. Nakakaawa ‘yung kilala ko, iniwan ng pamilya at ubos 3 SUV at nakatira na lang sa magulang niya ngayon."


"‘Di ba ‘yung artista, naghikahos kaya humihingi na ng tulong online dahil ipinantaya sa sabong?"


Tsika pa ng mga netizens, sina Gretchen at Atong Ang daw ang mga operators ng online sabong.


"Sila may-ari niyan. "Business partners" sila ni AA."


Genern?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page