Kaya sa YouTube na lang iniere… MATTEO, UM-APPEAR SA TV5, SHOW SA BNC, KINANSELA
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 2, 2026

Photo: IG _matteog
Isa pang mainit na balita ang pagkansela raw ng Bilyonaryo News Channel (BNC) sa aktor-host na si Matteo Guidicelli dahil sa pag-guest nito sa Frontline news program ng TV5. Ibig sabihin, hindi ito nagustuhan ng BNC.
Ang sabi, kaya nag-guest si Matteo sa Frontline ay para i-promote ang kanyang documentary series na Patriots na eere sa TV5. Again, obviously, hindi pabor dito ang BNC.
Pero ang tanong ng mga netizens, hindi ba nagpaalam sa BNC si Matteo na magge-guest siya sa TV5? Baka raw pinayagan siya kung nagpaalam lang.
Karugtong ng balitang ito ang hindi pag-ere ng talk show ni Matteo sa BNC last Saturday at sa halip, sa YouTube (YT) napanood ang Matteo G Primetime na guest niya ang mag-asawang Jerald Napoles at Kim Molina.
Sa halip na sa BNC, ang sinabi ni Matteo, “We’re going LIVE at 7PM on my YouTube channel! See you there, and don’t forget to invite your friends. Let’s grow this community together.”
Ang paniwala ng mga netizens, posibleng sa TV5 nga lumipat si Matteo kung totoong aalis o kinansela na ng BNC ang show niya.
Kapag nangyari ito, may shows agad sa TV5 si Matteo at ito nga ang documentary series. Posible rin daw na ipasok siya sa Frontline, at kung tama ang balita, mapapanood din siya sa A Secret in Prague (ASIP) na series nina Andrea Brillantes at Enrique Gil.
NABASA namin ang paglilinaw ng kasamahan naming si Salve Asis sa balitang kumalat kahapon na aalis sa TV5 si Mr. Johnny Manahan o mas kilalang ‘Mr. M’.
Maiksi lang ang post ni Salve na: “Fake news alert, guys. Baka maniwala kayo... Mr. M is not leaving TV5, according to a TV5 executive.”
Maiksi lang ang sinabi ni Salve, pero nandiyan na lahat ang gustong sabihin.
Fake news ang kumalat, hindi totoo at hindi aalis sa TV5 si Mr. M.
Saka, bakit naman nito iiwan ang TV5? May mga Star Worx talents pa siya na kanyang iga-guide at tutulungang sumikat.
Sixteen talents ang kanyang hawak at pinangakuang magkakaroon ng magandang career. Hindi naman siguro niya iiwan ang mga ito nang basta-basta na lang.
Naalala rin namin, ikinuwento ni Mr. M sa contract signing niya sa TV5 na matagal ang usapan at negosasyon niya with Mr. Manny V. Pangilinan para lumipat siya sa TV5.
Matagal din siyang hinintay ni MVP na maging parte ng TV5, kaya bakit naman siya aalis?
Abangan natin ang formal na pahayag ni Mr. M at ng TV5 tungkol sa isyung aalis siya sa network. Tiyak na may paglilinaw sa isyung ito.
GOOD health, happiness, at mas marami pang oportunidad ang birthday wish ng singer na si Debbie Lopez ngayong taon.
Sa ipinapakitang sipag at dedikasyon sa kanyang craft, at pagmamahal sa musika, hindi malayong matupad ang mga hiling niya — at baka masundan pa ng panalo sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music bilang advance birthday gift.
Super happy si Debbie Lopez sa nomination niyang New Female Recording Artist of the Year 2026 ng PMPC Star Awards for Music for her song na Ang Higugmaon Ka ng KB Records.
First nomination ito ni Debbie, kaya tinanong namin kung ano ang importansiya nito sa kanya.
“First time ko ma-nominate sa pinakasikat na PMPC Star Awards for Music. Honestly, sobrang saya at nakaka-overwhelm. Ever since, dream ko na talagang ma-recognize for doing what I love, especially through music. Kaya being nominated sa Star Awards for Music is such a huge honor for me. Sobrang grateful ako sa lahat ng sumusuporta at naniwala sa
journey ko. Thanks po kay Lord, sa Itaas po,” sagot ni Debbie.
Sa June 25 sa Teatrino Theater sa Greenhills ang awards night ng PMPC Star Awards for Music. Birthday ni Debbie Lopez sa June 15, kaya madodoble ang kanyang saya kung mananalong New Female Recording Artist of the Year.





Comments