top of page

Kaya raw pala walang holding hands at kiss… ANAK NI LEA NA SI NIC, IBINULGAR NA SA FAN NALAMAN NA HIWALAY NA ANG PARENTS NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 minutes ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | March 22, 2026



LETS SEE - ANAK NI LEA NA SI NIC, IBINULGAR NA SA FAN NALAMAN NA HIWALAY NA ANG PARENTS NIYA/Nicchien.official

Photo: Nicchien.official



Umani ng papuri mula sa mga netizens si Nic Chien, ang proud transman na anak ni Lea Salonga sa dati nitong mister na si Robert Charles Chien.


Si Nic ang nag-iisa nilang anak na ngayo’y unti-unti nang nakikilala sa mundo ng teatro.

Sa naging panayam sa 20-anyos na transman sa show ni Kuya Boy na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) sa GMA-7, maraming mga rebelasyon ang theater actor sa naging journey niya, kasama ang late niyang discovery ng hiwalayan ng parents niya.


Ayon kay Nic, isang matatawag na rude fan umano ang nagbuking na matagal na palang hiwalay ang parents niya, pero noong 14 years old lang niya ito nalaman at nakumpirma mula sa ama.


Although hindi naman daw iyon naging malaking isyu lalo’t in his early years ay ramdam na niyang tila hindi ‘masaya’ as a couple ang mga magulang. 


“Growing up, I thought it was just normal for a couple not to kiss or hold hands which I saw

from my parents, but a thing I saw from other normal couples. Maybe, that’s a hint of them being uncomfortable,” kuwento nito.


Mataas daw ang pagtingin niya sa ‘wonderful person’ na kanyang stepmother at nagpapasaya sa tatay niya. 


“I am happy to see my father happy. My stepmom is such a wonderful person and I respect her,” dagdag pa nito.


Pero nilinaw ni Nic na super proud siya sa kanyang ina at ito ang most important person sa buhay niya ngayon. Hindi nga lang daw niya nakikitang mai-involve ito romantically sa ibang lalaki. 


Sey pa nito, “She is content right now. She has her own world and she is happy with it.”

Ang ikinatuwa pa ng mga netizens sa very smart na theater artist ay nu’ng sinabi niyang hindi niya kailanman kailangan ang isang Lea Salonga para makilala sa teatro o makakuha ng mga projects. 


“S’yempre, hindi. That idea horrifies me, because it’ll stain my reputation. I don’t need my mother to get into stuff, I have my own chops,” sagot nito sa tanong ni Kuya Boy kung bakit hindi niya sinasabing anak siya ng internationally-renowned theater icon.


Bilang isang transman na nag-undergo na sa mga procedure ng therapy, breast removal surgery at hormone intake, sinabi ni Nic na masaya siya sa kanyang piniling gender identity at sa buhay niya ngayon na puwedeng magkagusto sa parehong babae at lalaki.





SAMANTALA, ang House of Mentorque na ang opisyal na naglabas ng statement para sa isa sa mga prized artists nila na si Ron Angeles.


Matatandaang hindi na sana nais pang magpahayag ng aktor-model ng kanyang saloobin sa iskandalong kinasangkutan, pero nang dahil sa  pagkalat at pagpapakalat pa ng sex video na nandoon siya, nagbigay ng statement ang management house niya.


Sa naturang pahayag ay kinukumbinse nito ang mga nasangkot na artists na magkaisa sa paghahanap ng legal na solusyon upang mapanagot ang may likha ng mapanirang sex video.


May babala rin ang artist outfit na posible ring may panagutan ang mga taong nagpapakalat pa rin ng video sa iba’t ibang platform bukod pa sa alter world at porn sites.


Sa ngayon ay balitang ‘unbothered’ si Ron Angeles dahil hindi naman siya nag-deny na siya ang nasa iskandalosong video. 


‘Yun nga lang, dahil hindi niya alam na palihim itong nakunan at mas lalong wala siyang permiso na ilabas ito sa publiko, doon nagkaroon ng kaso na isasampa sa legal na paraan.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page