Kaya raw pala inayawan ni Carmina para kay Mavy… KYLINE, TODO-KANDONG KAY KOBE, WA' PAKI KAHIT MUKHANG CHEAP
- BULGAR

- Aug 27, 2024
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 27, 2024

Maraming GenZ fans nina Kyline Alcantara at Kobe Paras ang kinilig sa nag-viral na TikTok video nila, kung saan makikitang habang nakaupo ang basketball player at kumakanta ay naka-kandong naman sa kanya ang Kapuso actress.
Kung tama kami, parang nasa birthday party-inuman ang dalawa at kumakanta si Kobe sa videoke ng Hinahanap-Hanap Kita.
May part du'n na inayos ni Kyline ang buhok ng cager at hinalikan naman ni Kobe sa balikat ang aktres na nakasuot ng strapless short dress.
Dahil sa sweetness ng dalawa, personally, naniniwala kaming sila na. Hindi naman siguro papayag si Kyline na kumandong sa isang "kaibigan" lang at ganu'n pa sila ka-sweet.
Well, okay lang naman sana 'yun dahil 21 years old naman na si Kyline at hindi na minor. Kaya lang, para sa amin, hindi maganda sa paningin 'yung kumalat na video nila dahil wholesome actress ang packaging ng GMA-7 kay Kyline at hindi naman sexy star.
At bilang maraming kabataan ang umiidolo sa kanya, hindi magandang tingnan na masyado silang nagpi-PDA ni Kobe.
Walang problema sa parte ni Kobe dahil lalaki naman ito at isa pa, hindi naman artista na ibini-build-up as matinee idol.
Pero para sa career ni Kyline, nakaka-cheap lang sa image niya 'yung kumalat na video na naka-kandong siya kay Kobe at ganu'n pa 'yung suot niya.
Magaling na aktres si Kyline kaya sana, ingatan niya ang public image niya. Hindi pa naman niya asawa si Kobe para magpakita siyang nagpapakandong dito.
Sana lang ay may magpaalala kay Kyline na celebrity siya kaya lahat ng kilos niya ay binabantayan ng publiko.
May nabasa nga kaming comment sa social media na kaya raw pala siya inayawan ni Carmina Villarroel para sa anak nitong si Mavy Legaspi dahil sa pagiging liberated ng aktres.
Hmmm…
Aktor, binasted daw niya…
KIRA, OKS LANG KAHIT IDINENAY NI LA NA GF

SPEAKING of 'kandungan', natawa si Kira Balinger at nag-dialogue ng "Kandungan? What you see is what you get," nang biruin namin kahapon sa mediacon ng first movie team-up nilang Maple Leaf Dreams na baka bigla na lang namin silang makitang magka-holding hands at nagkakandungan.
Idinenay nga kasi ng dalawa na mag-boyfriend sila kahit pa may reliable source na nagbulong sa amin na matagal na silang magkarelasyon bago pa ginawa ang movie last year na kinunan sa Canada.
Sabi pa ni LA, binasted siya ni Kira, na nagsabi namang okay lang na sinabi ng aktor sa mediacon na 'friends' lang sila dahil 'yun naman daw ang totoo.
When asked kung bakit binasted ni Kira si LA, sagot ng aktres, pareho raw silang career ang priority ngayon at mahirap naman daw na magkaroon sila ng relasyon dahil baka makaapekto pa sa movie project na ginawa nila.
Ang mahalaga raw, kahit 'di sila mag-on, may chemistry sila at nabigyan nila ng justification ang kani-kanilang role sa Maple Leaf Dreams na tungkol sa magdyowang OFWs na piniling magtrabaho sa Canada para matupad ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya.
Parehong magaling na aktor at aktres sina LA at Kira kaya no wonder na may chemistry nga sila sa Maple Leaf Dreams na mula sa panulat ni Hanna Cruz at direksiyon ni Benedict Mique.
Isa ang pelikula sa mga entries sa Sinag Maynila Filmfest na magaganap sa Sept. 4 to 8, pero may regular screening sa mga sinehan simula sa Sept. 25.
Produced ito ng 7K Entertainment, Lonewolf Films, and Star Magic Studios at kasama rin sa pelikula sina Snooky Serna, Tirso Cruz III, Joey Marquez, atbp..




Comments