Kaya raw nagustuhan at minahal ang ex mo, Kylie… AJ: ALJUR, VERY RESPONSIBLE
- BULGAR

- 3 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 3, 2026

Photo: IG _ajravsss
Naging emosyonal ang aktres na si AJ Raval nang mag-guest sa Toni Talks, ang YouTube (YT) channel ng singer-actress na si Toni Gonzaga.
Unang tanong ni Toni, “Ano’ng meron kay Aljur (Abrenica), bakit mo nagustuhan? Bakit may nag-spark sa kanya?”
Saad ni AJ, “Ang kagandahan po kasi kay Aljur, ‘yung values n’ya. Alam kong maraming kokontra, pero very responsible po s’ya and he’s a good provider.”
Tanong ni Toni, “Mahirap ba to be in a relationship na alam mong may misconception ang tao sa pagsasama n’yo?”
Saad ni AJ, “Yes po. Mahirap po ‘yun. Ipinagdasal ko po ‘yun. Nu’ng nag-start po kasi kami ni Aljur, sobrang saya namin. Masaya lang. Tapos nag-pray po ako, sabi ko, ‘Sana po, Lord, ibagsak N’yo na po lahat ng problema sa amin.’”
Komento ni Toni, “Ha? Ikaw naman ang kabaligtaran, gusto mo, problema. Ang saya.”
Saad ni AJ, “Para po makita ko lang kung kami po talaga para sa isa’t isa. Kung nand’yan po kami para sa isa’t isa, ‘di lang kapag masaya. Para po hindi na tumagal. Maghiwalay na po kami kung maghihiwalay kami.”
Tanong ni Toni, “When you were happy, did you think someone was unhappy when you were in a relationship?”
Saad ni AJ, “Hindi naman po, Ms. Toni. Kasi nag-start po kami ni Aljur, malinis po talaga.”
Dagdag na tanong ni Toni, “Wala na s’ya du’n sa dati n’yang relationship?”
Saad ni AJ, “Wala na po.”
Tanong ni Toni, “Pero ‘di alam ng tao ‘yun?”
Saad ni AJ, “Hindi po. Pero po kasi, nu’ng time na ‘yun, since ako rin po ang naglabas, since bago po ako mag-artista, ‘di ko po alam kung ano ang dapat sabihin at hindi sabihin sa interview.”
Reaksiyon ni Toni, “Kaya nagsunud-sunod na ‘yung mga issues at controversy, kasi ang dating sa tao, may overlap sa relationship, naging third party, naging cause.”
Saad ni AJ, “Hindi po, ‘di po talaga.”
Reaksiyon ni Toni, “So para sa kaalaman ng lahat na may misconception, may judgment at may assumption sa relationship n’yo. When you and Aljur got together, Aljur was separated.”
Saad ni AJ, “Yes. Separated na po talaga sila that time.”
Tanong ni Toni, “Nu’ng nakilala mo s’ya?”
Sagot ni AJ, “Opo.”
Sey ni Toni, “Na hindi alam ‘yan ng tao. Cause this is the chapter na hindi alam ng mga tao because ang naiwan sa kanila is ‘yung Aljur with the previous relationship. Kaya ‘pag may bagong babae in the picture, nasa kanya na lahat ng blame, nasa kanya ‘yung point ba?”
Dagdag na tanong ni Toni, “Paano mo hinandle ‘yun?”
Saad ni AJ, “Sa part naman na ‘yun, Ms. Toni, alam kong wala akong ginawang masama. Kaya lumaban talaga ako. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako (naging kabit). Alam ng Diyos na hindi ako. Wala akong kasalanan.
“Pero Ms. Toni, ‘di naman din po lahat galit sa amin. Meron pa ring naniniwala. Lately, Ms. Toni, naiisip ko, bakit nangyari sa akin ‘yung mga ‘yun kasi ito ‘yung plano sa akin. Ito ‘yung dapat kong pagdaanan.”
Dagdag pa ni AJ habang tuluyan nang umiiyak, “Wala akong magagawa kung ito ang plano sa akin ni Lord kundi tanggapin at i-embrace ang nangyayari.
“Mas importante ba talaga na tingnan ka nang maganda ng mga tao? Importante ba ‘yung magiging tingin nila sa ‘yo? O mas importante kung ano ang magiging tingin sa ‘yo ng Diyos?”
Sey ni Toni, “Alam mo kung ano ang importante? Sasabihin ko sa ‘yo. Kung ano ang tingin sa ‘yo ng mga anak mo. To them, you are the world. You are the best mom. That’s the most important thing.”
Tanong ulit ni Toni, “Bakit mo ini-reveal at inamin this year na may mga anak na kayo ni Aljur? Na ito na ang mga anak namin?”
Saad ni AJ, “Kasi po, Ms. Toni, gusto na naming matapos magtago. Gusto na naming maging malaya. Sa bahay po namin, may pumupuntang tao na ‘di ko kilala. Gusto lang nilang mag-capture ng picture ng mga bata.
“Gusto namin silang ipasyal. Gusto namin silang bigyan ng malalaking birthday celebration.”
Sey ni Toni, “Na-deprive sila ru’n.”
Kuwento pa ni AJ, “‘Yung panganay ko po, nag-aaral. Gusto kong pumunta sa school n’ya, maging present.
“Parang nasanay na po s’ya na alam n’ya ang nangyayari. ‘Di ko po s’ya tinuruan. ‘Pag nasa bahay kami, ang tawag n’ya sa akin, ‘Mommy Bats,’ pero ‘pag nasa labas kami, automatic, ang tawag n’ya sa akin, ‘Ate Bats’ noon.
“Ngayon, kinausap ko na po s’ya. ‘Okay lang, Mommy.’ Okay na tayo.
“Sa school nga po, minsan, hinahatid namin s’ya noong ‘di pa kami nag-a-out, tapos pag-alis namin, kinukulit s’ya. Sinasabi, ‘Sino’ng mama mo? Sino’ng tatay mo?’”
Well, pakiusap lang po ni yours truly, huwag kulitin ang mga bata. Kung may gusto kayong malaman, sa mga magulang kayo dumiretso. ‘Di ba naman, madlang people?
PATULOY na tinatangkilik at sinusubaybayan ng mga manonood ang What Lies Beneath (WLB) habang umeere sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at mga pangunahing online streaming platforms.
Pinupuri ang serye sa matapang nitong pagtalakay sa mahahalagang isyung panlipunan, partikular ang karapatan ng kababaihan.
Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa pagbibigay-diin ng serye sa women’s rights, lalo na sa mga eksenang ipinakita kung paano tumulong si Erica (Kaila Estrada) sa kanyang kaibigang si Mel (Sue Ramirez) upang ipagtanggol ang sarili laban sa mapang-abusong asawa nitong si Anton (Jameson Blake).
Bukod sa matinding suporta mula sa mga netizens, nananatili ang WLB sa mga pinakapinapanood na palabas sa iWant at Netflix PH. Ang kasalukuyang mga episodes nito ay nakapagtala rin ng halos 200,000 peak concurrent viewers sa
Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment, ang may pinakamaraming subscribers na media and entertainment channel sa Southeast Asia.
‘Yun lang, and I thank you.








Comments