Kaya raw na-depressed… RABIYA, SISING-SISI RAW NA HINIWALAYAN NI JERIC
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 21, 2026

Photo: File / Rabiya Mateo - IG
Sey ng ibang mga Marites, posibleng si Jeric Gonzales daw ang isa sa mga dahilan ng depresyon ng beauty queen-aktres na si Rabiya Mateo.
Hindi pa raw ganap na naka-move on si Rabiya nang mag-break sila ng aktor. Pero ayon sa ilang malalapit na kaibigan ni Jeric, kasalanan daw ni Rabiya kung bakit siya iniwan.
Sobrang selosa raw si Rabiya kaya sakal na sakal sa kanilang relasyon si Jeric. Pati raw cellphone ng aktor ay pinakikialaman niya kaya halos wala nang privacy.
Ayaw din daw paalisin ni Rabiya ang aktor kapag dumadalaw ito sa kanya kaya pati ang career ni Jeric ay naapektuhan.
Gusto raw ni Rabiya na solong-solo niya ang panahon ng nobyo.
Well, sino’ng lalaki ang tatagal kung ganito ka-possessive ang karelasyon?
Ngayon ay sising-sisi raw si Rabiya Mateo na humiwalay sa kanya si Jeric Gonzales.
‘Di lang dahil anak ni Pacquiao…
EMAN, MALAKAS ANG APPEAL, MABENTA NA SA COMMERCIAL
Magmula nang tinanggap ng boxing legend na si Manny Pacquiao ang kanyang anak na si Eman Bacosa, dinagsa na ito ng mga endorsements.
Pero hindi lang dahil sa dinadala niya ang apelyidong Pacquiao, kundi may taglay din siyang karisma sa tao.
Artistahin ang kanyang porma — mabait, magalang, humble at down-to-earth kahit medyo mahiyain pa.
Tinanggap agad ng publiko si Eman at pinapirma na rin siya ng GMA Network ng management contract. Hinahanapan pa lamang siya ng proyektong babagay sa kanya.
Dalawang career ang puwedeng pagpilian ni Eman. Maaari niyang sundan ang yapak ng kanyang ama sa larangan ng boxing, at maaari rin siyang mag-artista.
Ngayon ay patuloy pa ring dumarating ang mga endorsements kay Eman, pero sa sariling merito at hindi dahil sa rekomendasyon ng kanyang sikat na ama na si Manny Pacquiao.
PATULOY ang pagtulong ni Coco Martin sa mga kapwa niya artistang nangangailangan ng trabaho. Isinasama niya ang mga ito sa seryeng Batang Quiapo (BQ).
Isa sa mga kasama sa cast ay si Nicole Luna, anak ni Katherine Luna.
Matatandaang naging kontrobersiyal si Katherine nang ipahayag niya sa publiko na si Coco ang ama ng kanyang ipinagbubuntis noon.
Papasikat pa lamang noon ang aktor kaya malaking impact sa kanyang career ang naging pasabog.
Gayunman, pinanindigan ni Coco na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Katherine at handa pa siyang magpa-DNA test.
Kalaunan, lumabas ang katotohanan na hindi anak ng aktor ang ipinagbubuntis ng aktres. Gayunman, nagbigay pa rin ng tulong si Coco kay Katherine para sa anak nito.








Comments