Kaya raw lumayas sa GMA-7… JANINE, PINAGSELOSAN SI JULIE ANNE KAY RAYVER

Updated: Jan 9, 2021
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 2, 2021

Ayaw paniwalaan ng ilang netizens na basta na lang lalayas si Janine Gutierrez sa GMA Network dahil tapos na ang kontrata niya sa Artist Center.
Malakas ang bulung-bulungan na pinagselosan ni Janine ang singer-actress na si Julie Anne San Jose na laging ka-tandem ng nobyo niyang si Rayver Cruz sa pagho-host ng mga shows sa Kapuso Network tulad ng katatapos na The Clash Season 3.
Nararamdaman daw ni Janine na nagkakalapit na nang husto sina Julie Anne at Rayver at may fans na ang kanilang tandem.
Kaya, okey na rin kay Janine na hindi ini-renew ang kontrata niya ng GMA Network dahil gusto na niyang makalayo kay Rayver at 'wag nang makita pa si Julie Anne.
Well, dapat siguro ay magsalita na rin si Julie Anne at linawin ang isyu sa pagkakadawit niya sa dahilan ng paglayas ni Janine sa Kapuso Network!
Mahirap nang matatakan siya ng mga fans na mang-aagaw ng boyfriend.





Comments