Kaya raw laglag sa MMFF 2023… DIREK BRILLANTE, ‘DI BIG STAR ANG TINGIN KINA PIOLO AT BOYET
ni Ambet Nabus @Let's See | November 7, 2023

"Aren't Piolo Pascual and Christopher de Leon big stars?" ang may nanlalaking mga matang tanong ng isang MMFF enthusiast sa naging reaksiyon ni Direk Brillante Mendoza sa hindi pagkakapili sa Moro para maging official entry this 2023 MMFF.
Hindi raw kasi matanggap ng naturang 'enthusiast' ang tinuran ni Direk Brillante na puro mga entries with "big stars” lang ang kinonsidera ng MMFF committee para maging official entries.
"Kung naliliitan siya kina Boyet (de Leon) at Papa P (Piolo) bilang mga artista, aba'y parang gusto rin naming maliitan sa kanya bilang award-winning director?" hirit pa ng source namin.
Sa narinig naming paliwanag ng MMFF Selection Committee, malinaw ang prosesong pinagdaanan ng mga selected entries at kung nasabi man ang pagkakaroon ng 'big stars' ay dahil sa variety ng genres ng 10 movies.
Sey pa ng aming kausap, "Kung hindi napili ang movie ninyo, hindi naman ibig sabihin chararat na o walang kuwenta. Pero ‘yung ang sabihing nag-focus sa big stars, eh, maling-mali, dahil ‘yung movie ninyo (Moro) ay meron ding big stars."
Oo nga naman. Ay, ang taray!





Comments