Kaya raw battered wife... Sarah Lahbati, 'di hands-on mom
- ffernandoangela
- Dec 14, 2023
- 2 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | December 14, 2023

Hindi man sigurado ng madla kung hiwalay na si Sarah Lahbati at si Richard Gutierrez, sure na sure silang proud mother ang aktres sa mga anak nito. Pero ayon sa isang vlog ng showbiz insider na si Jobert Sulcaldito, may tsika raw na hindi hands-on mom si Sarah na ikinagagalit ng mister.
Sa vlog ni Jobert kamakailan, inispluk niya ang mga nalaman niya sa kanyang source. Sey nito, “Ang sabi sa akin ng kausap ko, si Sarah daw ay battered wife. Unang nakarating sa akin sa isang malapit na kaibigan namin ni Tita Annabelle ang sinabi, is that, nagagalit daw si Richard kay Sarah because si Sarah daw ay hindi hands-on mom.”
Dagdag pa niya, “Ipinapaalaga sa mga yaya ang mga bata, but that doesn’t mean na ‘di niya mahal ang mga bata. Hindi lang talaga siya mahilig mag-alaga ng mga bata. Wala siyang ginawa kundi magpaganda."
Ani ng showbiz insider, hindi raw ito kinaya ni Richard kaya umalis na lang at nakituloy sa bahay ng kanyang ina at umuwi naman si Sarah sa parents niya sa Bicol.
Matatandaang kinumpirma ni Annabelle Rama na hindi na magkasama sa bahay ang mag-asawa dahil nasa poder niya raw ngayon si Chard.
Sabi pa ni Jobert, hindi naman daw gusto ni Annabelle na talagang mag-split ang dalawa at hindi rin naman sigurado ng madla kung sino ang tinutumbok nito sa kanyang mga posts.
Wala pa namang komento ang panig nina Sarah at Richard sa tsikang ibinahagi ni Jobert.
Matatandaang nagkaroon ng usap-usapan patungkol sa lagay ng relasyon nina Richard at Sarah matapos na mapansin ng mga taong hindi na sila nagsasama sa mga larawang ibinabahagi nila sa social media.




Comments