top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kaya out sa ASAP… IBINULGAR NI REGINE: SARAH, TODO-ENJOY SA HONEYMOON KAY MATTEO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 9, 2021





Habang ongoing ang bonggang 26th anniversary episode ng ASAP Natin ‘To last Sunday ay nagte-trending ang topic na “weloveyou Sarah G” sa Twitter kaya akala namin ay sisipot si Sarah Geronimo sa show.


Matagal-tagal na ring hindi nakakapag-perform si Sarah sa ASAP stage at puro recorded performance ang napapanood sa kanya na kinunan sa ibang lugar.


Pero walang Sarah G. na sumipot sa show kaya naman sa Twitter idinaan ng kanyang Popsters (tawag sa kanyang fans) ang pagka-miss sa kanya.


Sa halip ay nagpahatid na lang si Sarah ng pagbati sa anniversary ng ASAP sa kanyang Twitter account.


“Happy 26th Anniversary ASAP!” ang tweet ni Sarah.


Isang netizen nga ang nagtanong kung nag-quit na ba siya sa nasabing Sunday musical variety show.


“Ms. Sarah, we are TFC subscribers and we deserve to know the truth. Did you quit ASAP???????????” tanong ng netizen.


“Can’t wait to see you again on stage. Weloveyou Sarah G,” ang tweet naman ng isang Popster.


“I'll be patiently waiting for you, queen. I say, WELOVEYOU SARAH G,” post naman ng isa pang fan.


“Anniv pala ng @ASAPOFFICIAL kaya pala maganda mga performances. Nakaka-miss lang si Sarah Geronimo mag-opening ng asap, 'yung tipong mala-Super Bowl ang level ng opening with the G-Force,” tweet ng isa pa.


Samantala, maging ang mga co-hosts niya sa ASAP ay nanawagan kay Sarah na bumalik na siya.


“Sarah G. we miss you na!” sabi ni Regine Velasquez. Sagot naman ng mga co-hosts niya, “Oo nga! Balik ka na sa ASAP!”


Ang newest member naman na si Janine Gutierrez ay nagsabi ring Popster siya kaya sobrang excited din siya na makasama si Sarah sa stage.


Sagot naman ni Regine, “Nagpapahinga lang ngayon ang ate mo, kasi alam mo na, kakakasal lang, ganu’n talaga ‘yun, honeymoon. Ako rin nu’n, hindi nagtatrabaho. Ganu’n talaga ‘yun. Tapos, eventually, magsasawa na kayo, magtatrabaho ka na ulit, ganu’n.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page