top of page

Kaya never na raw pinag-drive ni Direk Paul… TONI, NAHULI NG PULIS SA SOBRANG BILIS MAGMANEHO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 6, 2026



Toni Talks - YT

Photo: Toni Talks - YT



“Kahit si Superman, masasaktan sa ginawa mo sa akin,” ang pahayag ng mahusay na host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano sa aktres-singer na si Toni Gonzaga sa YouTube (YT) channel ni Luis na Luis Listens.


Super-espesyal ang episode na ito dahil nakasuot pa ng barong si Luis habang ini-interview ang dati niyang niligawan na si Toni.


Tanong ni Luis, “Paano mo nakuha ‘yung commercial na ‘I love you, Piolo!’? Ikaw ba ‘yung type na every weekend ‘yung ngiti sa kanan at kaliwa? ‘Yung batang VTR (video tape recording) ka?”


Sey ni Toni, “Hindi. Ang dream ko talaga nu’ng bata is maging singer lang. ‘Yun lang ang dream ko kasi kumakanta ako. Tapos, na-realize ko nu’ng nagsisimula ako in the ‘90s, ang mga singing contests lang ang nasa noontime shows or bihira, unlike ngayon na may The Voice na may solo show. 


“Bihirang-bihira noon, seasonal lang ang mga singing competitions. So nu’ng natapos na ‘yung mga singing competition sa mga noontime shows, parang narinig ko na may mga VTRs din daw for commercials. 


“Eh, ‘di ba ‘pag bata ka naman, when you’re 12, 13, 14, parang gusto mo ring i-try lahat? So, na-try ko na rin. Nag-VTR na rin ako for commercials.”


Maraming beses daw nag-audition si Toni sa mga TV commercials pero mas marami ‘yung hindi siya natatanggap dahil hindi siya mestiza. 


Sey ni Toni, “Nu’ng time na ‘yun kasi, ‘yun ‘yung sinasabi ng daddy ko na in the ‘90s, mas standout kasi ‘yung mga mestiza and half-half, ‘di ba? Given naman ‘yun, sa isang lineup ng mga girls, talagang standout ‘yung mestiza.”


Pero sinabihan daw siya ng daddy niya ng “One day, mauuso rin ang mukha mo.”

Tanong ni Luis na may kasamang biro, “Kailan kaya mauuso ‘yung mukha ni Catherine (Alex Gonzaga)?”


Sey ni Toni, “One day, mauuso rin ‘yung mukha mo.”

Tanong ni Luis, “How would you take it? Kasi sabi ko nga, it’s not something you hear every day. Pero ikaw, kaya mo bang tawanan or at one point medyo may konting tama sa ‘yo?”


Sey ni Toni, “Ang daddy ko kasi, straight to the point magsalita. Parang lagi n’yang sinasabi sa akin, ‘Bago mo pa marinig sa labas ng bahay, sasabihin ko na sa ‘yo.’ Parang lagi n’ya akong tine-train. It’s a cruel world out there. Kung ‘di ka sanay sa masasakit na salitang maririnig mo, ‘di mo kakayanin ‘yang mundong pinapasukan mo. Kaya diretso lang magsalita daddy ko sa akin nu’ng time na ‘yun.”


Naikuwento rin ni Toni na bago pa siya nag-artista ay kumakanta siya sa mga hotel at P1,500 daw ang talent fee niya for two sets, na ang bawat set ay 12 songs, so bale 24 songs ang kinakanta niya. 


Tanong ni Luis, “May isa ka bang endorsement noon na 6 figures na una mong nasabi na ‘Uy, teka lang, malaki na ‘to, ah?’ Was it 7 figures?”


Sey ni Toni, “‘Yun ‘yung nag-six or seven figures. S’yempre, parang ‘Ha? Kaya ko pala ‘yun?’ Kasi ang daddy ko, lagi n’yang sinasabi dati, nu’ng nalalaman n’ya ‘yung mga endorsements, naalala ko pa ‘yun sa GMA, sa Startalk, kay Rosanna Roces, parang naghihintay sila. Tapos, narinig n’ya ‘yung TF for an endorsement. Sabi ng daddy ko, ‘Siguro, ‘pag kumikita na ng ganyan si Celestine (Toni), baka wala na tayo sa mundo. ‘Di na natin abutin.’ So, nu’ng nakita ko na naabot ko na rin pala ‘yung point na puwedeng kumita ng ganu’n sa isang endorsement, natuwa ako na at least, nandito pa ‘yung mga parents ko. Na-experience nila ‘yun.”


Bukod sa naging career ni Toni ay napag-usapan din nila ang naging relasyon nila noon ni Luis 


Kuwento pa ni Luis, “Naalala ko one time, may pinuntahan tayo nu’n, may dinner break or lunch break. Magmo-mall dapat tayo. Sabi ko, ‘Gusto mo bang sumabay ka na lang sa akin?’ Sabi niya, ‘Hindi, ako ang magda-drive.’ ‘Yun, nag-drive s’ya. Nahuli ng pulis.”

Sey ni Toni, “Ay, oo.”


Sey pa ni Luis, “Sa Mandaluyong, may Guadalupe.”


Sey ni Toni, “Oo. Nahuli ako kasi mabilis akong magmaneho. Alam mo ba, hanggang ngayon, Luis, simula nu’ng ikinasal kami ni Paul, ilang years na? Ten years. Ten years na akong ‘di nagda-drive.”


Hirit na tanong ni Luis, “Seryoso?”


Sey ni Toni, “Kasi natatakot si Paul. Ang bilis ko raw mag-drive.”


Kuwento pa ni Luis, “Para malinaw, masaya na kami sa mga buhay namin. Ito’y kuwento lamang na ‘di pinagdaraanan ng mga normal na tao. Kuwento lang ‘to. Kahit si Superman, masasaktan sa ginawa mo sa akin.”


Patuloy nito, “Nanliligaw po ako nu’ng mga panahong ‘to. Intense na panliligaw. Naalala ko pa, alas-tres nang umaga, slide-slide phone na malamang ibinigay ko pa sa kanya ‘yung isang Samsung.”


Sey ni Toni, “Oo, niregaluhan mo ako ng cellphone.”


Sey naman ni Luis, “Sabi n’ya, ‘Ang ganda nito.’ Ako naman, sinurprise ko, ibinigay ko, tapos ‘di ko na alam ang nangyari, baka patong na lang sa mesa.


“Naalala ko pa, alas-tres nang umaga, nasa Manaoag ako, tumatawag si Toni Gonzaga. Alas-tres. Sabi ko, ‘May sasabihin ba ito sa akin?’ Hello? Oh, Toni… (umiiyak sa phone).”

Tanong ni Toni, “Ba’t ako umiiyak?”


Sey ni Luis, “Kasi parang nag-away kayo ni *****. Sa akin humingi ng advice. Kung sino pa ‘yung pinakananliligaw sa kanya, ‘yun pa ‘yung tinawagan n’ya.”

Sey ni Toni, “Ah, alam ko na ‘yun.”

Sey ni Luis, “Mas alam ko ‘yun kasi masakit.”

Sey ni Toni, “Hindi. Kasi na-discover ko na may iba pala s’ya.”


Kuwento pa ni Toni, “Alam mo ba kung ba’t ikaw ang natawagan ko? Kasi ikaw ‘di ba, nagte-text ka sa akin. Ikaw siguro ‘yung unang name na nakita ko. Si Luis, sumbong ko kay Luis. Lagi ka kasing nagte-text, nagme-message.”


Sey ni Luis, “Kasi nanliligaw ako. So ako naman, sasagutin ko ba ‘to? Advice lahat-lahat, pero tingnan mo nasaan tayo.”


Sey ni Toni, “Alam mo, ang saya ko na na-maintain ko si Luis as a friend. Imagine mo ‘yun, ‘di tayo magka-ex or ‘di tayo naging magka-relationship. Ang ganda ng friendship natin ngayon through the years. Since nakilala kita, 19 years old ako. Ilang taon na tayo ngayon? 22.”


Well, in fairness kay Luis Manzano, mabait naman sa totoo lang, ‘di ba naman, Baby Peanut?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page