top of page
Search
BULGAR

Kaya nasa Paris uli… KC, BINALIKAN DAW ANG EX-BF

ni Julie Bonifacio @Winner | August 9, 2024


Showbiz News
Photo: KC Concepcion / IG

Itinuturing at nagbabalik si KC Concepcion sa second home niya, ang Paris sa France.


Ipinost ni KC ang ilang photos niya habang ini-enjoy ang kanyang bakasyon sa Paris. 


Caption ni KC sa kanyang latest Instagram (IG) post, “From Paris with love, soaking up some sun at Place des Vosges; finding shade under manicured lime and chestnut trees, chilling amongst Parisienne flowers in full bloom.


“The chocolat chaud that was too hot for summer, but just an absolute must! @carette_paris, art gallery window-shopping because where else but here.


“The famed brick and stone arches of one of Europe's most symmetrical and gorgeous squares, street art appreciation, balloon dogs by @jeffkoons, an awesome lunch at one of the best local markets #marchedesenfantsrouges, pairing yuzu chocolate from @jeanpaul_hevin with my iced americano from my fav Marais coffee spot @bootcafe.


“What can I say, it truly is summer in Paris!”


Sey ng mga netizens, “You’re home." 


“Our OG Parisian girlie!!”


Bago pa man mag-away ang mga fans nina Heart Evangelista at Miss Universe Pia Wurtzbach, nauna na si KC sa kanila.


Anyway, may nakapansin among KC’s IG followers sa unang picture niya na nakasuot ng pink Ralph Lauren dress shirt and cap, pumayat ang eldest daughter ni Megastar Sharon Cuneta. 


Sey ng isang fan, “Wow, pumayat ka na, KC.”


Samantala, duda naman ang ibang netizens na nagkabalikan si KC at ang ex-French filmmaker boyfriend niyang si Pierre Emmanuel. May nagsasabi naman na ang ex-boyfriend ni KC na si Alexander ‘Aly’ Borromeo ang nakabalikan niya sa Paris.


Sey ng mga Marites:


“Mukhang nagkabalikan sila ni Aly.”


“Gusto ni Aly, laging payat si KC, so paano ‘yun?”


Naghinala ang mga followers ni KC na nagkabalikan sila ni Aly dahil ipinost din ng former Azkals captain sa kanyang IG story na nasa Paris din siya. 


“@alybor11 also posted in his IG story of him in Paris.”


Sagot ng isa, “Walang post si @alybor11”


“Malabo silang magkabalikan ni KC. @kristinaconcepcion is happy.”


May naniniwala naman na ang katatapos lang niyang karelasyon na si Mike ang kasama ni KC sa Paris.


“Pusta ako, si Mike pa rin. ‘Di si Aly ang love ni Kristina, si Mike (praying and heart emoji).”


“Wala, isa lang ang binabalikan ni @kristinaconcepcion.”


Parang hindi kami agree na wala siyang binalikan. Kasi dati nang karelasyon ni KC nu’ng estudyante pa lang siya sa Paris si Pierre Emmanuel.


Samantala, wish ng mga fans ni KC na matagpuan na talaga niya ang kanyang Mr. Right. 


Ani ng isang fan, “Sana KC ay mahanap mo na ang right man for the beautiful inside and out like you. Keep safe travels and God bless you always.”


Sana nga.


 

Pinagpyestahan muli si Dennis Trillo ng kanyang mga bashers dahil sa isang controversial post na lumabas sa socmed (social media) under his name.


May lumabas na comment sa post sa isang IG account na verified ang name ni Dennis dahil may check ito sa tabi.


Comment sa post ng account na may name na dennistrillo.ph, “Ito lang ang masasabi ko, may Sunday PinaSaya pa ba?” 


Hindi namin makita ang original post sa pinaglagyan ng comment sa itaas ni Dennis, pero inulan na naman ng puna ang mister ni Jennylyn Mercado.


Matatandaan kasing nu'ng una ay may post si Dennis na "May ABS-CBN pa ba?" na nilinaw naman nitong na-hack ang kanyang account.


Sey ng mga netizens:


“Papa Dennis Trillo, na-hack na naman account mo? Hahaha! Pero in fairness, alam n’ya talaga kung ano ‘yung mga defunctional shows at network na hinding-hindi na makakabalik, magpakailan pa man, Bwahaha!”


“Hack daw, tumigil ka na. Daig mo pa ang walang utak.”


Samantala, minessage namin ang kampo ni Dennis and still waiting sa reply nila as of this writing.


Kalerky! If na-hack nga, it means na hindi pa rin naiaayos ang socmed accounts ni Dennis Trillo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page