Kaya nagalit sa parents? XYRIEL, MAHIGIT 10 TAONG NAG-SHOWBIZ, WALANG IPON
- BULGAR
- May 6
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 6, 2025
Photo: Xyriel Manabat - IG
Sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE), muling napatunayan na hindi porke’t artista ay mapera na.
Isa sa mga naging emosyonal na rebelasyon ay mula sa aktres na si Xyriel Manabat, na kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa telebisyon.
Nasabi ni Xyriel sa isang episode ng PBB ang kanyang matagal nang gustong sabihin.
Pahayag niya, “Hindi ko pinagsisisihang tumulong ako sa pamilya ko, pero sana rin, matutunan kong alagaan ang sarili ko habang ginagawa ko ‘yun.”
Habang nagkukuwento sa loob ng bahay ni Kuya ay emosyonal si Xyriel sa kanyang pinagdaanan bilang breadwinner sa loob ng mahigit isang dekada.
Saad pa niya, “I’ve been working more than half of my life, more than a decade, pero wala akong savings.”
Bata pa lang, sikat na ang aktres pero nakakalungkot nga na waley pala itong naipon.
Just asking, ‘yun kaya ang dahilan kaya sinasabi niyang napatawad na niya ang kanyang mga magulang, lalo na ang tatay niya?
Nakiusap ang loyal Noranian na si Jen Donna Pergis Moreno na, “‘Wag na po mag-comment ng hindi magagandang salita para kina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.”
Dagdag pa ni Jen, “Kung tayo po ay nasaktan… mas masakit po ito para sa kanila.
“Kung tayo po ay nawalan, mas nawalan po sila. Kani-kanya po tayo ng sakit na nararamdaman. Sana, maging mabait na lang po tayo sa bawat isa, lalo sa mga anak ni Ate Guy.”
Pakiusap ito sa mga taong patuloy na namba-bash sa mga anak ni Nora sa social media at kung anu-anong panlalait ang sinasabi.
Well, alam ni yours truly kung gaano kamahal ni Ate Guy ang kanyang mga anak kaya mas magiging masaya siya kung lahat ay magkakaisa-isa. Boom, ganernnn!
Samantala, last May 4, Sunday ay naigawad na ang Presidential Medal of Merit on National Artist for Film para sa nag-iisang Superstar Nora Aunor na dinaluhan at tinanggap naman ng kanyang mga anak na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth.
Pero kahit na tinanggap nila ang Presidential Medal of Merit ay bakas pa rin sa mga mata ng magkakapatid ang lungkot na wala na ang kanilang mahal na ina na si Nora Aunor.
NANDITO na uli sa Pilipinas ang Filipino-American singer and Doctor of Nursing na si Nick Vera Perez at kamakailan lang ay nagkaroon ito ng mediacon to promote his fourth and latest album titled Parte Ng Buhay Ko to touch the hearts of many listeners.
Parte Ng Buhay Ko was first released online noong 2022 at ang album ay patuloy naman na nakakaantig ng puso ng mga listeners. All 9 songs were written for Nick by composer Adonis Tabanda.
Some of the songs on the album include Biyaya, Paghilom ng Sugat, Titig, Lihim ng Puso, Kalendaryo, May Tayo Ba?, Pangarap Ko’y Ikaw, Sana’y Mapansin, and the title track, Parte Ng Buhay Ko. Each song tells a story of love, pain, hope, and healing.
Sa Q&A portion ay natanong ni yours truly si NVP kung bakit hindi niya naisipang pasukin ang pag-aartista gayung super pogi niya at sinabi ko sa kanya na I know a star when I see one.
At ang kanyang naging sagot ay… “Meron... meron akong plano noon na mag-artista pero hindi kaya ng schedule ko kasi nag-aaral pa ako noon. Iba ‘yung pag-iisip ko. When I was growing up, okay naman ang family namin.
“Pero ang iniisip ko lang talaga noon ay to finish school first so doon ako nag-concentrate.
“Noon ko pa na-meet si Beth Tamayo na naging ka-batchmate ko. Dati pa may mga offers din sa akin na gumawa ng movies pero hindi pa ako ready noon.
“Kaya nga ‘yung I Am Ready na first album ko... ‘yun ang ginawa kong title. Kasi nga nu’ng nag-release kami ng first album ko, doon ko na-feel na ready na pala ako.
“Pero ngayon siguro, kung ako ngayon, tatay na ang role.”
If ever, sino naman ang gusto niyang maka-love team?
Sagot niya, “Si Bea.”
“Sino’ng Bea? Bea Binene or Bea Alonzo?” balik-tanong namin.
Sey niya, “Sino si Bea Binene?”
“Naku, ‘yan ngayon ang pinaka-leading lady sa muling pagkabuhay ni Totoy Bato sa TV5,” sagot ni yours truly.
“Ah, si Bea Alonzo ang gusto ko. Natural umarte at magaling na artista at walang ka-effort-effort sa pag-arte,” he said with matching smile.
Anyway, to bring his music closer to fans and supporters, Nick has lined-up a series of appearances on television, radio, malls, and outreach events.
Makakasama ni Nick sa tour ang talented Eternal Diva, Ms. Evelyn O. Francia, and rising singer Hannah Shayne.
Comments