top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Kaya maraming nabubuntis, palitan ng asawa, nagma-masturbate… ALVIN: PINOY MOVIES AT SERIES, BAD INFLUENCE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4
  • 3 min read

Updated: 3 days ago

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 4, 2026



SPECIAL - ALVIN PINOY MOVIES AT SERIES, BAD INFLUENCE-FB Alvin Aragon

Photo: Sarah Geronimo - Instagram




Ayaw pa rin talagang tumigil ng pa-controversial na dating aktor na si Alvin Aragon sa kanyang mga hirit na tumutuligsa at kumokondena sa mga gawi sa showbiz na mundong kanyang pinanggalingan at dahilan kung bakit kahit paano ay nakilala ang pangalan niya.


Matapos nga niyang banatan ang LGBTQIA+ community na diumano ay “makasalanan” kaya mapupunta sa impiyerno, ang mga intimate at kissing scenes naman ngayon sa mga teleserye at pelikula ang kanyang binabatikos at gustong ipatanggal dahil pinagmumulan daw ito ng kamunduhan at kasalanan.


At hindi lang basta panawagan sa social media ang kanyang ginawa, kinol-out din niya ang ating mga mambabatas para bigyang-pansin ang kanyang paniniwala sa aspeto ng relihiyon at moralidad.


Ani Alvin sa kanyang Facebook post, “Mr. Senators and Mrs. Senators

“‘Di ba ho, dapat ding itigil ang paghaluin ang saliva ng leading lady na may asawa na at ang saliva ng leading man na may asawa na sa kanilang bed scenes?


“Ang mga teleseryes and Philippine movies ho kasi ang isa sa pinakamalaking influence sa buong bansa natin kung bakit maraming pamilyang nasisira kasi puro affairs.

“At kaya maraming artistang palit nang palit ng asawa ho.


“Dahil sa mga bed scenes na napapanood sa national TV and Philippine movies kaya puro teenage pregnant ang nangyayari sa bansa.


“Kaya maraming nagma-mast*rbate 

na mga lalaki dahil sa mga artistang nagpapakita ng cleavage at mga legs, lalo na ang mga bed scenes, nakakapagpainit nang sobra sa maraming Pilipinong lalaki.


“Ang art po ay hindi para dalhin ang tao na magkasala sa harapan ng Diyos.

“#GodhatesSexwithoutmarriage”


Eh, di wow! Ano na naman kaya’ng nakain ni Alvin Aragon at kung anu-ano na namang pumasok sa isip niya?


O baka naman nasobrahan na siya sa kung anumang gamot na tine-take niya kaya kung anik-anik na naman ang tumatakbo sa isip niya.


Jusko, sa dami ng dapat harapin ng mga senador, papansin pa talaga ‘tong si Alvin?

Naku, ewan ko sa ‘yo, brad. Try mo ring magpahinga para luminaw ang takbo ng isip mo.





Singer, proud mama's boy…

NICK, NAKA-3 GF PERO WALA PA RING ASAWA



Balik-‘Pinas ang singer-nurse na si Nick Vera Perez na matagal nang based abroad para sa kanyang regular work.


Umuuwi lang siya sa bansa kapag may bago siyang album na kailangang i-promote, tulad ng kanyang The Duo Album titled Unafraid: The Gospel Album at Dancing in the Ocean.


Bukod diyan, may series of shows din siya na gaganapin sa: May 10 (4 PM) – United Evangelical Church, May 12 (9:30 AM) – KCC Mall de Zamboanga, May 16 (4 PM) – XentroMall Antipolo, May 17 (4 PM) – Farmers Plaza, Araneta City, May 18 (3 PM) – Charity Walk (DSWD) at May 24 (5 PM) – XentroMall Montalban.





Napaka-goal-driven ni Nick at inspired siya sa mga nagawa niyang songs na kasama sa kanyang 5th and 6th album na ipino-promote ngayon.


Isa sa mga fave songs niya ang Dancing in the Ocean na danceable nga raw at nagdadala ng good vibes lalo sa mga nade-depress at dumaranas ng anxiety.

Sa kanyang mediacon last Saturday, muling naikuwento ni Nick Vera Perez ang strong bonding nila ng ina at inamim niyang proud mama's boy siya. Wala siyang paki sa sasabihin ng ibang tao, dahil ang mahalaga sa kanya ay ang respeto at pagpapahalagang ibinibigay niya rito.


Kaya aminado siyang at his age now, hindi pa siya nakakapag-asawa kahit naka-tatlong girlfriends naman daw siya noon.


Ang kailangan daw kasi niya na maging life partner ay ‘yung tanggap ang kanyang dedication sa ina at hindi nakikipagkumpitensiya sa pagmamahal at oras na ibinibigay niya rito.


Although, umaasa pa rin naman daw siyang darating ang tamang babae para sa kanya, dahil ang payo nga ng kanyang mommy dearest ay dapat meron din siyang maging partner na kasama niya sa kanyang pagtanda dahil ‘di naman forever ay magkasama silang mag-ina.


Kaya sa mga girls na gustong maging bahagi ng buhay ni Nick, ang tip niya, bukod sa dapat ay maiintindihan ang kanyang pagmamahal sa ina, funny din ito dahil

ayaw ng singer-nurse ng stress, ‘coz ito raw ang pinanggagalingan ng mga sakit.


Well, iniimbitahan naman ni Nick Vera Perez ang kanyang mga fans, supporters at Filipino community abroad na pakinggan ang mga bagong songs na kasama sa kanyang bagong dalawang albums na released na ngayon at available na sa mga online streaming apps.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page