top of page
Pokwang.jpg

Kaya lahat, nauwi sa hiwalayan, Angelica, Andrea, etc…

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2021
1 min read

DEREK, UMAMING 'DI NAGPAKATOTOO SA MGA EX-GF, KAY ELLEN LANG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 4, 2021





Dahil daw kay Ellen Adarna, na-realize ni Derek Ramsay na marami siyang nagawang pagkakamali sa mga una niyang pakikipagrelasyon. Si Ellen kasi ay hindi raw nagtago kung ano ang tunay niyang ugali at pagkatao at hindi nagpa-impress para lang magustuhan niya.


Ayon sa naging pahayag ni Derek, matagal na panahon na hindi siya nagpakatotoo sa kanyang sarili. Sa kagustuhan niyang tanggapin at mahalin ng babaeng kanyang nililigawan, always best foot forward ang kanyang ipinakikita. Nabuhay siya sa pagkukunwari at pagpapanggap.


Ibang-iba raw ang katauhan na kanyang ipinakita sa bawat pakikipagrelasyon niya noon kaya nauwi sa paghihiwalay ang lahat.


Pero kay Ellen Adarna, hindi na niya kailangang magkunwari at magpanggap. Inilantad na niya ang lahat-lahat ng aspeto ng kanyang buhay.


Ganu'n din naman si Ellen sa kanya, open na open ito at walang sikreto kaya swak na swak ang kanilang ugali at personalidad.


Ang tanong, hanggang kailan tatagal ang kanilang pagsasama? Hindi ba sila magkakaroon ng sawa factor ngayong halos ayaw na nilang maghiwalay at super sweet sa isa't isa?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page