Kaya kinastigo na ng MTRCB… ITS SHOWTIME, PATUNG-PATONG ANG REKLAMO
ni Ambet Nabus @Let's See | August 5, 2023

Two days lang pala ang ini-allow na vacation leave kina Meme Vice Ganda at asawa nitong si Ion Perez.
Marami kasi ang nagtatanong sa pagkawala nila nang ilang araw sa It’s Showtime matapos ngang ipatawag ng MTRCB ang mga producers ng show dahil sa mga reklamo rito.
Yes, mga reklamo, as per the MTRCB Chair Lala Sotto said na nagpatung-patong na.
“Very lenient, mahabang pasensiya,” bahagi pa ng napanood naming panayam kay Ms. Lala kaugnay ng It’s Showtime controversy.
Mula raw sa language, double meaning jokes hanggang dito nga sa viral na ‘finger-licking cake item’ in the presence of children (pati mga nanonood), tumambak na raw ang reklamo kasama na ang nakuha ng monitoring team ng MTRCB na pumasa sa legal, sa desk niya at ng adjudication committee na nag-decide na ngang ipatawag ang mga producers ng show at ipa-sanction ito.
Kaya sa pagbabalik ng mag-asawa from their very brief vacay in Taiwan, ano kaya ang isasagot nila sa naging aksiyon ng MTRCB?
Aabangan natin 'yan!





Comments