Kaya kering-kering bumili ng mga luho…

SHARON, TRIPLE ANG KITA SA PAGBEBENTA NG REAL ESTATE PROPERTIES
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 9, 2021

Sa real estate nag-invest ang Megastar na si Sharon Cuneta at marami na siyang properties na naipundar. Kaya naman, secured na secured ang kanyang future sa usaping pinansiyal.
Aminado si Shawie na umuutang siya sa bangko kapag kapos ang pambili niya ng mga bahay at lupa na kanyang ginagawang negosyo. Pero, nababawi naman niya agad ang kanyang puhunan at doble ang kita kapag naibenta na niya ang property.
Bago nagkaroon ng Covid pandemic at nag-lockdown noong mid-2020, naibenta ni Mega ang isang malaking property sa USA. Triple ang kanyang kinita at nabayaran ang inutang sa bangko.
Sanay na sanay sa pag-i-invest sa real estate si Sharon Cuneta. Nasa timing ang kanyang pagbili at pagbebenta ng mga real estate properties.
Kaya naman, generous din si Shawie sa ginagawa niyang pagtulong sa mga charities at maging sa mga malalapit na kaibigan na lumalapit sa kanya.
Hindi na ipinag-iingay at ipino-post pa ni Shawie sa social media ang mga tulong na ibinibigay niya. Recently, ang nanay ng dating artistang si Beth Tamayo ang tinulungan nila ni Judy Ann Santos para mag-undergo sa chemotherapy.
Si Beth ang BFF ni Juday na nag-migrate na sa USA. Du'n na rin ito nakapag-asawa matapos mahiwalay sa unang mister.
Kaya naman, deserve rin ni Mega na regaluhan ang kanyang sarili ng mga mamahaling designer's bags at relong pangarap niya.





Comments