Kaya ipinagluto pa ng steak… SEN. CHIZ, PROUD NA FRIEND NI HEART SI BEA
- BULGAR
- May 2, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See |May 2, 2023

Sa pinag-uusapang "unexpected friendship" ngayon nina Bea Alonzo at Heart Evangelista, isa si Sen. Chiz Escudero sa mga sobrang masaya.
"Matagal na silang magkakilala. For sure, mas lumalalim lang siguro ngayon bilang mas mature na silang mga tao, mga empowered women at influential figures," ang more or less pahayag ng asawa ni Heart.
Honored pa nga raw si Sen. Chiz sa bonding moments nina Heart at Bea, lalo na sa mga usaping fashion, beauty, wellness and health.

Kaya naman nu'ng minsan daw na makapunta sa bahay nila si Bea ay aligagang ipinagluto ng senador ang dalawa ng steak at magiliw itong nakipagkuwentuhan tungkol sa mga usaping nabanggit, lalo na ang health issue.
Kaya, kung very soon daw ay may mga bagong programa sa kalusugan si Sen. Chiz, huwag na nating ikagulat kung magiging mga advocates niya rito sina Heart at Bea.
Why not, chocnut? Bongga kaya 'yun!





Comments