top of page
Search
  • BULGAR

Kaya friends pa rin daw sila, Sharon… HIRIT NI JANICE: WALANG GALIT AT DRAMA SA PAGHIHIWALAY NAMIN NI GABBY

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 25, 2024




Hiyang-hiya at hinding-hindi raw makakalimutan ni Janice de Belen ang paghingi ng paumanhin sa kanya noon ni Sharon Cuneta dahil kay Gabby Concepcion.


Sa latest YouTube vlog ni Snooky Serna, binalikan nga ni Janice ang paghingi ng tawad sa kanya ni Sharon on national television, ganu’n din ang pagso-sorry ni Gabby nang muli silang magkatambal sa pelikulang Rosenda nu’ng 1989.


Inamin naman ng premyadong aktres, na 'first love' niya si Gabby na nu’ng 1984 ay naging asawa naman ni Sharon, nagkaroon ng anak na si KC Concepcion at alam naman ng lahat na naghiwalay din makalipas ang ilang taon.


Sa Pick A Name game ng vlog ni Snooky, ang unang pangalan na nabunot ni Janice ay si Sharon. 


Ikinuwento pa niya na dapat daw, ang ipapangalan sa kanya ng ina nu’ng ipinagbubuntis pa lang siya ay Sharon.


"Can you imagine kung nangyari ‘yun?" natatawang tugon niya.


"Hindi ko alam kung bakit last minute, napalitan."


At dito na nga niya naikuwento na nagkaroon din sila ng isyu dahil kay Gabby. 


“Siyempre, nagkaroon kami ng konting issue because of Gabby. Nu’ng natapos na rin kami ni Gabby, parang tapos na rin ‘yun.


“Pero okay naman kami. I mean, we see each other, we’re fine, we’re okay, we have no problems.


“And I remember, si Sharon actually apologized on TV, na nahiya ako kasi parang feeling ko, sobrang liit na bagay para mag-apologize siya.


“But she did apologize. Na-appreciate ko ‘yun. Pero nahiya ako doon kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-apologize, wala naman iyon.


“But, you know, we’re okay. We’re okay,” pagbabalik-tanaw pa ni Janice.


Hindi rin niya makalimutan ang ginawa ni Sharon nu’ng ipinagbubuntis niya si Luigi Muhlach, ang love child nila ni Aga Muhlach.


“When I was pregnant with Luigi, siguro dahil alam nga niya nu’ng time na pregnant ako ru’n sa first ko, siyempre big deal ‘yun.


“Laman ako ng lahat ng kuwentuhan ng mga Marites nu’ng time na ‘yun, pati nu’ng church, laman ako noon.


“She was very supportive. She sent me flowers and sent me a letter. So, na-appreciate ko ‘yun,” pagbabalik-tanaw pa niya.


Kasunod niyang nabunot ay si Maricel Soriano, at agad sinabi ni Janice na nasampal din siya nang bonggang-bongga ng Diamond Star sa 1988 movie nilang Babaeng Hampaslupa kung saan gumanap silang magkapatid at naging magkaribal sa isang lalaki.


Pagbabahagi naman ni Snooky, mas malala ang sampal na inabot niya kay Marya sa Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin at gumulung-gulong pa sila sa isang sementeryo.


After Sharon and Maricel, si Gabby ang nabunot ni Janice.


Nilinaw naman ni Janice na maayos ang paghihiwalay nila ni Gabby at friends pa rin sila until now.


“Alam na natin ‘yan. Eh, ‘yan naman ang first love ko, ‘di ba? It’s just nice because after all those years, Gabby and I are friends," pahayag pa ng aktres.


“Minsan pagkukuwentuhan namin 'yung past, lolokohin ko pa siya, and, you know, game na game siya.


“So, wala akong galit whatsoever kay Gabby because we're friends. Okay kami, ‘yung walang drama. May closure and we're really okay."


Dagdag pa niya, "And you know, after what happened to us when we were doing Rosenda, he apologized to me. Sabi niya sa akin, ‘Whatever hurt I caused you, I wanted to say I’m sorry.’”


“Kuya Mayor” naman ang tawag niya kay Herbert Bautista, na kasabay din niyang lumaki, pero hindi raw niya naramdaman na niligawan siya ni Bistek dahil kapatid nga ang turing niya rito.


Super proud naman si Janice sa anak nila ni John Estrada na si Kaila Estrada, na pinupuri na rin bilang baguhang aktres, lalo na sa kanyang pagganap sa Linlang na ongoing ngayon ang mas mahabang teleserye version.


"I remember, minsan napanood ko siya, sabi ko sa kanya, 'Magaling ka pala, anak?'"


Marami pang napag-usapan sina Snooky at Janice na puwedeng balik-balikan sa YouTube channel.


Samantala, malapit na rin silang mapanood sa What's Wrong with Secretary Kim? kasama ang mga bidang sina Paulo Avelino and Kim Chiu.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page