top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Kaya FC, sinimulan na ang kampanya sa Alcantara Cup

  • BULGAR
  • Mar 16, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 16, 2022




Pormal na sinimulan ng Kaya FC Iloilo ang depensa ng kanilang korona sa 2022 Copa Paulino Alcantara sa 1-0 panalo sa palaban na Maharlika FC Manila Lunes ng gabi sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite. Isang goal buhat ay Daizo Horikoshi isang minuto pa lang ang nakalipas ay sumapat para mauwi ng mga kampeon ang pinaghirapang 3 puntos.

Matapos ang walang goal sa first half, pinalitan ni kapitan JoVin Bedic si Shirmar Felongco at agad tumulong siya sa nagpapanalong goal. Sumubsob para tapikin palAyo ni Maharlika goalkeeper Henri Bandeken ang bola buhat sa malapitang sipa ni Robert Lopez subalit gumulong ito patungo sa naghihintay na si Horikoshi na agad kinuha niya ang pagkakataon na walang nagbabantay sa goal para sa 1-0 iskor sa ika-46 minuto.

Kahit lamang, sinubukan pa rin ng Kaya na hanapin ang pangalawang goal at tinodo ang atake sa gitna ng matibay na depensa ng Maharlika, isang koponan na huling naglaro noong 2020 matapos lumiban sa buong 2021. Muntikan na maka-goal sina Bedic at ang isa pang reserba Sandro Reyes na pumasok noong ika-66 minuto subalit nabitin sila.

Babalik ang aksyon sa Copa sa Marso 21 at susubukan bumawi ng Maharlika laban sa Mendiola 1991 FC sa Carmona muli. Puno ang kalendaryo ng Maharlika at nakatakda din nila harapin ang 2020 Philippines Football League (PFL) kampeon United City FC sa Marso 24.

Samantala, maglalaro ng dalawang FIFA Friendly ang Philippine Men’s Football National Team sa susunod na linggo bilang paghahanda para sa 2023 AFC Asian Cup China Qualifiers Round Three sa Hunyo. Lalakbay ang Azkals sa Singapore upang labanan ang Malaysia sa Marso 23 at Singapore sa Marso 29.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page