top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaya FC, kinapos sa lakas ng Sydney FC sa AFC League

BULGAR
Mar 10, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 10, 2022

Umarangkada ang Sydney FC ng Australia sa second half upang mabigo ang bisitang Kaya FC Iloilo ng Pilipinas, 5-0, at makapasok sa group stage ng 2022 AFC Champions League Martes ng gabi sa Netstrata Jubilee Stadium. Matapang na hinarap ng mga koponan ang ulan at malakas na hangin at sa huli nanaig ang kalidad ng mga Australyano.

Bitbit ang layunin na makabalik sa ACL matapos ang makasaysayang paglahok noong 2021, nakasabay ang Kaya hanggang ang ika-30 matapos ang unang goal ni Trent Buhagair. Biglang gumuho ang depensa at dinoble ni Bobo ang lamang isang minuto pa lang ang lumilipas sa second half at sinundan niya agad ito ng penalty kick sa ika-49 minuto buhat sa malakas na foul ni Fitch Arboleda kay Rhyan Grant.

Kahit komportable ang lamang, hindi pa tapos ang Sydney at bumanat ng dalawa pang goal ang reserbang si Adam Le Fondre sa ika-71 at ika-81 minuto. Pumasok si Le Fondre sa ika-69 minuto upang palitan si Bobo at kinailangan ang dalawang minuto lang bago mahanap ang goal.

Tutuloy na ang Sydney sa Vietnam para sa aksyon sa Grupo H ngayong Abril kontra sa Jeonbuk Hyundai ng Timog Korea, Yokohama F Marinos ng Japan at Hoa Anh Gia Lai ng Vietnam. Matatandaan na noong nakaraang taon, biglang umatras ang Sydney at iba pang kinatawan ng Australia sa ACL at ito ang isa sa dahilan bakit naka-akyat ang Kaya at napabilang sa group stage sa unang pagkakataon.

Comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page