Kaya ‘di makabalik sa It’s Showtime… ANNE, UMAMING NAPAPRANING DAHIL SA COVID
- BULGAR
- Sep 21, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 21, 2021

In-assure ni Anne Curtis na babalik siya sa It's Showtime.
Kinaiinipan na rin kasi ng madlang pipol na muling mapanood si Anne sa noontime show ng Kapamilya Network.
Sa panayam ni Boy Abunda sa TV host-actress, sinabi niyang babalik siya sa programa soon.
Wala nga lang siyang ibinigay na specific date kung kelan.
“Siyempre, malapit na. I am just being very cautious din kasi minsan akala ko na nga na babalik na ako, tapos biglang aakyat 'yung [COVID-19] cases, tapos napapraning ako,” paglalahad ni Anne.
“Dahlia is still quite young pa. I am just being very cautious muna. But soon, babalik ako, for sure 'yun. Babalik talaga ako for sure,” dagdag pa niya.





Comments