top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

Kaya ‘di maiwan-iwan… PIOLO, FEEL NA KAILANGAN PA SIYA NG SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 11, 2026



Piolo Pascual - IG

Photo: Piolo Pascual - IG



Matagal-tagal na ring nagpahinga si Piolo Pascual sa pag-arte. Nabanggit na niya noon ang plano niyang magretiro, pero hindi natuloy.


Gusto na niyang iwanan ang mundo ng industriya habang nasa rurok pa siya ng kanyang kasikatan, pero hindi niya magawa dahil marami pa ring proyektong dumarating. Pakiramdam daw niya ay isa lamang siyang susi upang makatulong din sa ibang tao sa industriya.


Sa isang panayam, ipinahayag ng aktor ang kanyang pagnanais na gumawa ng isang teleserye sa susunod na taon.


“I am still waiting for the right project but [I’m] definitely doing a TV series come next year,” ani Papa P.


He also said that he wants to produce more films.

May sariling production company ang aktor, ang Spring Films. 


“Marami in the pipeline. We are waiting for schedules,” lahad pa ni Papa P.

Pareho rin daw na fulfilling ang pagiging artista at producer.


“Bilang alagad ng sining, gagawin mo ang lahat para umayos ang movie making. Sana, marami tayong ma-inspire not just to produce but manood and suportahan tayo sa sinehan,” pagbabahagi niya.


Bahagi ng kanyang abalang iskedyul ang pag-aalaga sa kanyang resort sa Batangas.

Samantala, bago niya magawa ang kanyang goal para sa 2027, nakatakdang maglabas muna si Papa P ng isang album sa Nobyembre, kung saan ang isa sa mga kanta ay ka-duet niya ang anak na si Iñigo.


Ani Papa P, “He composed a song for my album. We recorded the past week. It is a duet. So I am excited to show it all to you.”

Bongga!





MULING bibigyang-buhay sa big screen ang klasikong akda na Florante at Laura ni Francisco Balagtas sa pamamagitan ng bagong adaptasyon na pinagbibidahan nina JC de Vera at Shaina Magdayao.


Inilunsad ang official trailer ng pelikulang Ang Florante at Laura ni Balagtas, na may English title na Florante & Laura sa Asian Contents & Film Market (ACFM) sa Busan, South Korea.


Kasabay nito, mapapanood din ang trailer sa bansa sa pamamagitan ng YouTube (YT) at Facebook (FB) video premiere.


Hatid ng FEAST Foundation, layunin ng pelikula na muling ipakilala sa mga manonood ang kuwento ng pag-ibig, pagtataksil at tapang na harapin ang pagkakawatak-watak ng mga tao.


Gaganap si JC bilang Florante, habang si Shaina naman ang bibida bilang Laura. 

Kasama rin sa cast sina Royce Cabrera bilang Aladin, Gillian Vicencio bilang Flerida, Kristof Garcia bilang Minandro at Brian Sy bilang Adolfo.

Si Alvin Yapan ang sumulat at nagdirek ng pelikula.


Sa loob ng maraming dekada, bahagi na ng pag-aaral sa mga paaralan ang Florante at Laura.


Sa bagong adaptation nito, dadalhin sa pelikula ang mga tunggalian at emosyon sa likod ng klasikong akda, kasabay ng mga tanong na nananatiling mahalaga sa kasalukuyan.


Sentro ng pelikula ang pag-ibig na hindi nagpapadaig sa kapangyarihan, diskriminasyon at kawalan ng pag-asa, sa gitna ng mga pagkakahati-hati dahil sa pananampalataya, pagkakakilanlan at kasakiman sa kapangyarihan.

Sa temang ‘Love, our last revolution’, hangad ng pelikula na ipakita kung paano maaaring maging daan ang pag-ibig upang labanan ang giyera at muling pag-isahin ang mga tao.


Bukod sa pagpapakilala nito sa mga manonood, pagkakataon din ang trailer launch sa Busan upang maipakita ang pelikula sa international audience, kabilang ang mga film buyers, distributors, sales agents, festival programmers at media na dumadalo sa ACFM.





Nagbanta, pinaiimbestigahan pa… 

RYZZA MAE, MAY DEATH THREAT, PAMILYA TAKOT NA TAKOT



NABABAHALA ang pamilya ng Eat Bulaga! (EB!) host na si Ryzza Mae Dizon matapos makatanggap ng mga email na naglalaman umano ng death threats at paghingi ng P20,000 ng hindi pa nakikilalang nagpadala.


Sa Facebook (FB), ibinahagi ng ina ni Ryzza na si Mommy Rizza ang mga screenshots ng mga mensaheng nagdulot ng takot sa kanilang pamilya. Nagbanta umano ito kay Ryzza kapag binalewala ang mga mensahe nito.


Sabi nito, “Balewalain mo ‘tong sinasabi ko, magugulat ka na lang, baka sa mga lakad at bahay mo, pupuntahan kita para itumba.”


Dahil dito, umapela si Mommy Rizza sa nagpadala na itigil na ang mga pagbabanta laban sa kanyang anak.


“‘Di ko inaasahan na makakatanggap si Ryzza Mae ng ganitong message at picture dahil wala naman kaming kaaway at inaagrabyado na tao.


“Sana, ‘wag po ganito dahil nakakatakot po na makatanggap ng ganitong message, lalo na madalas kaming lumabas. Mag-ingat po tayong lahat,” pahayag ng ina ng TV host.


Iminungkahi naman ng ilang netizens na humingi ng tulong ang Team Ryzza sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy ang nasa likod ng mga email. May mga nagmungkahi ring siyasatin ang email address na ginamit.


Umaasa ang pamilya ni Ryzza na matitigil na ang mga pagbabanta at matutukoy ng mga kinauukulang awtoridad ang responsable sa insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page