top of page

Kaya can afford ng mga luxury items, Mavy… ASHLEY, NAGSALITA NA SA PAGKAKAROON DAW NG DOM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 28, 2025



FB / Ashley Ortega

Photo: FB / Ashley Ortega



Ang laki ng ipinagbago ng personalidad ngayon ng Kapuso actress na si Ashley Ortega. Umaapaw ang kanyang self-confidence at nagkaroon ng kakaibang aura pagkatapos niyang maging house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Si Ashley ang itinuturing na BFF ni Shuvee Etrata.


Sa kanyang mga guestings at interviews, positive things na lang ang gusto ni Ashley na pag-usapan. Kaya nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), hindi na siya nag-comment tungkol kay Kyline Alcantara at sa dating relasyon nito kay Mavy Legaspi na BF niya ngayon.


Basta happy si Ashley sa closeness niya kay Mavy at sa pamilyang Legaspi.

Aminado si Ashley na may mga bashers na nagkakalat ng maling tsismis sa kanya. Inakusahan siyang p*kpok at may ‘DOM’ (dirty old man) kaya afford niya ang mga luxury items. 


Itinanggi ito ni Ashley Ortega dahil ang lahat ng kanyang naipundar ay kanyang pinaghirapan, at wala siyang sponsors.



EXCITED na si Ogie Alcasid sa kanyang guesting para sa 30th anniversary ng Bubble Gang (BG). After 12 years ay magre-reunion sila ng BFF niyang si Bitoy (Michael V.). 


Taong 2013 nang iwanan ni Ogie ang BG at pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Nagmarka sa BG ang team-up nina Ogie at Michael V. bilang Yaya at Angelina — si Bitoy ang yaya at si Ogie ang bratty niyang alaga. 


May ilang viewers ng BG ang nagre-request sa GMA Network na sana, bukod kay Ogie ay i-guest din sa 30th anniversary sina Rufa Mae Quinto, Ara Mina, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at Sef Cadayona.


Samantala, pumalo na ng mahigit 3 milyong views ang ginawang parody ni Michael V. tungkol sa Discaya couple na sangkot sa flood control scandal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 


Maraming humanga sa pagiging henyo ni Michael V. na gumawa ng parody ni Sarah Discaya bilang si Ciala Dismaya. Maging si Ogie Alcasid ay tumawag kay Bitoy nang mapanood niya ang parody na ikinatuwa niya.



Bukod sa bahay sa Australia… DREW AT IYA, MAY REST HOUSE NA SA TANAY, RIZAL



MALAPIT nang buksan ang Casa Arellano, ang rest house nina Drew Arellano at Iya Villania na nasa Tanay, Rizal. Mala-Baguio at Tagaytay ang ambiance ng rest house at tiyak na magugustuhan ng mga bakasyunista na naghahanap ng malamig at tahimik na kapaligiran. 


Balak nina Drew at Iya na ipa-rent sa mga bakasyunista ang kanilang rest house sa Tanay for extra income.


Magaling humawak ng pera ang mag-asawang Drew at Iya. Simple lang ang kanilang lifestyle kaya nagagawa nilang makaipon at makapag-invest ng mga properties. May apartment na rin sila sa Sydney, Australia. 


Doble ang sipag ngayon nina Drew at Iya dahil may lima silang anak na dapat itaguyod.

Kumikita sila sa kanilang mga endorsements kasama ang kanilang mga anak. May regular show din si Drew sa GMA-7, ang Biyahe ni Drew (BND) na napapanood tuwing Linggo ng gabi, 6:15 PM sa GTV. Si Iya Villania naman ay may segment na Chika Minute sa 24-Oras.



ALL-STAR cast ang pelikulang Kontrabida Academy (KA) na idinirek ni Chris Martinez. Bibihira ang ganito kalaking casting ng pelikula na napagsama-sama ang magagaling na kontrabida sa movie industry. 


Kasama rito sina Celia Rodriguez, Jean Garcia, Gladys Reyes, Pinky Amador, Odette Khan, Rez Cortez, Michael de Mesa, Baron Geisler atbp..


Kakaiba rin ang istorya ng KA dahil mistulang acting workshop ang takbo ng kuwento. 


Nasa lead cast ng movie sina Eugene Domingo (Uge), Barbie Forteza at Jameson Blake. 


Tinitiyak ni Uge na maaaliw ang mga manonood ng kanilang pelikula sa Netflix.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page