Kaya binu-bully sa katabaan… ANGEL, GAMIT NA GAMIT PARA PAG-USAPAN ANG MOVIE NI ATTY. TOPACIO
- BULGAR

- Jul 29, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 29, 2020

May payo ang ilang netizens kay Angel Locsin na sentro ngayon ng panlalait ni Atty. Ferdinand Topacio na producer ng pelikulang Mamasapano.
Kung sasagot pa raw at magpapaapekto si Angel, tiyak na patuloy siyang magagamit para lang sa early promo ng pelikula.
Nababanggit kasi lagi ni Atty. Topacio si Angel sa kanyang mga interviews. Kaya, bagay sa aktres ang kasabihang "Choose your battles."
Deadmahin at huwag na lang niyang patulan ang pambu-bully sa kanya, tutal naman ay maraming nagtatanggol kay Angel.
Asar-talo siya kung mapipikon siya. Ang dapat na lang sentruhan ni Angel ay ang patuloy niyang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad at mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid pandemic.
Marami naman siyang nagawa kumpara sa ilang naninira at dakdak nang dakdak para mapansin.
Nagtataka lang ang marami kung bakit hindi raw magawang ipagtanggol ngayon ni Neil Arce ang GF na si Angel samantalang nilalait na ito ni Atty. Topacio?
Bakit noong ang scriptwriter ng GMA-7 na si Suzette Doctolero ang naglitanya laban kay Angel, todo-tanggol si Neil?





Comments