Kaya binigyan ng movie ng Regal producer… FYANG, BAGONG MARICEL
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 15, 2026

Photo: IG __iamsofiasmith & _officialmaricelsoriano
Malaki ang bilib ng Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde sa tambalang JM Ibarra at Fyang Smith kaya naman sinugalan niya ang dalawa at binigyan ng solo movie na Almost Us (AU).
Puring-puri ng lady producer ang JMFyang love team at aniya, nakikita raw niya kay Fyang ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
“Fyang reminds me of Maricel Soriano, I am not kidding. I grew up with Maricel, natutuwa ako sa bata ‘pag pinapanood ko. Bawat galaw, natatawa ako,” saad ni Roselle sa mediacon ng AU last Sunday.
Gustung-gusto naman daw niya ang mga mata ni JM kapag umaarte ito.
“JM has the eyes na talagang, the way he does his acting, mararamdaman mo talaga. It is so natural. Parang they are not acting,” papuri ni Roselle sa aktor.
Sa husay nga raw ng magka-love team ay nadala siya sa mga eksena ng dalawa.
“I got carried away sa mga eksena, especially one scene. Seriously, napaiyak n’yo ako,” rebelasyon ng producer.
Na-touch naman ang dalawa sa magagandang sinabi ng kanilang producer.
“Nakaka-pressure naman. Speechless ako. Maraming salamat po. Nahiya ako,” sabi ni Fyang.
Ang Almost Us ay collaboration ng Regal Entertainment at ng Project 8 Projects ni Dan Villegas na siya ring nagdirek ng movie.
Showing in theaters starting on May 6, kasama rin sa movie sina Dustin Yu, Yuki Takahashi, at marami pang iba.
Haba ng hair…
MAYMAY, MOST BEAUTIFUL GIRL EVER PARA SA BF
ISA na namang tsek sa bucket list ni Maymay Entrata ang kanyang na-accomplish nang dumalo siya sa Coachella Valley Music and Arts Festival kasama ang kanyang boyfriend na si Joaquin Enriquez.
Sa carousel na ipinost ng Kapamilya star sa kanyang Instagram ay makikita ang mga kuha nila ng BF sa nasabing music fest na ginanap sa Indio, California.
Sa isang video ay masaya silang nanonood sa audience ng performances at may pahalik-halik pa si Joaquin sa kanyang mga pisngi.
“My first Coachella… and I got to experience it dahil sa ‘yo,” caption ni Maymay.
Sey naman ni Joaquin sa comment section, “MOST BEAUTIFUL GIRL EVER.”
Nag-post din si Maymay ng dance video nila ni Joaquin at caption naman niya, “Biberchella w/ my bb (baby).”
Happy ang mga fans ni Maymay Entrata na makitang masaya ang kanilang idolo sa bagong pag-ibig nito.




Comments