Kaya ayaw tantanan ng mga kampi sa ex-GF… GERALD, IMBES MAG-SORRY, TODO-POST PA LABAN KAY BEA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 13, 2021

May bagong post si Gerald Anderson sa kanyang Instagram account.
Ayon sa mga netizens, patungkol na naman daw ang mga katagang binitawan ng aktor sa ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.
Anila, kung hindi titigil si Gerald sa pagpo-post ng mga may different meaning, hindi raw siya tatantanan ng mga bashers.
Halos lahat daw kasi ay kampi sa kanyang ex kaya 'di niya makakamit ang katahimikan.
Caption ni Gerald sa kanyang larawan kung saan nakaupo siya sa tagiliran ng isang barko, “There is peace even in the storm — Vincent Van Gogh – BRP”
Reaksiyon ng mga netizens sa quote ng Init sa Magdamag aktor, “You created your own storm so don’t get upset when it rains… Remember you who want peace can find it only by complete forgiveness with prayer emoji.”
Ayon naman sa isang commenter, minsan daw ay maging totoo sa mga ikinikilos at sinasabi.
“Sometimes you have to be true in all of your actions and words because at the end of the day, it's u who will find peace w/in urself.”
Ang isa naman ay sadyang may galit kay Gerald, “Lamunin ka sana ng dagat, babaerong Budoy.”
May nagsasabi namang i-peace na lang daw ng aktor si Bea at mag-sincere apology, tiyak daw na makakamtan niya ang peace of mind.
Heto pa ang ibang komento sa comment section ng aktor…
“Until you show no remorse, people’s wrath will grow even stronger… you don’t deserve peace.”
“I think the problem is he thinks he is too guwapo that he became a self-centered immature man… sayang!”
“Oh yeahh… walang peace of mind ang isang kagaya mo na 'di marunong tumanggap ng pagkakamali.”
“In reality, daming katulad ni Gerald and worse. At least, si Gerald, guwapo, 'yung iba, mas malala pa kay Gerald pero feeling guwapo naman. Malas lang ni Gerald, artista siya, either magnified, exaggerated at daming may alam just because 'yun nga, artista sila at nasa social media. Kung gusto mang magbago at makalimot ni Gerald, give it to him, tao rin 'yan like all of us."
Sagot naman ng isang netizen, mas mabuti raw na gawin ni Gerald ay tumahimik na lang, tutal naman daw, ang silence means a peace of mind na rin.





Comments