top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaya ayaw pang magpakasal, Dominic.. BEA, UMAMIN KAY GINA NA MAY IBA PANG GUSTO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 28, 2022



Sa tinagal-tagal ni Gina Alajar sa industriya, first time niya pa lang daw na-meet si Bea Alonzo nang magkasama sila sa Pinoy adaptation ng Start-Up PH sa Kapuso Network.


“First time kong makatrabaho si Bea. First time ko rin siyang ma-meet. Kasi, 'di ba, nandu'n naman siya sa kabilang channel (ABS-CBN)? Siguro, kung hindi siya lumipat, baka I wouldn’t have a chance to work with her,” pahayag ni Gina sa solo online mediacon niya for Start-Up Ph last Friday.


Puring-puri nga ng veteran actress/director si Bea na napakabait daw at binati pa niya ang magulang nito for raising her well.


“I was surprised, kasi napakabait na bata. Ang ganda-ganda ng pagpapalaki sa kanya ng magulang niya. So, I want to commend, I want to congratulate her parents, the mother, she’s very, very close to her mother, sa magandang pagpapalaki sa bata,” pahayag ni Gina.


Bukod sa mabait ay matalino rin daw si Bea.


“She’s very intelligent. Alam niya kung paano patakbuhin ‘yung buhay niya. Alam niya kung ano ang gusto niya. Diretso ‘yung pag-iisip niya. May mga plano siya sa buhay niya, alam niya how to get it. Alam niya kung ano'ng dapat gawin sa buhay niya,” sey ng premyadong aktres/direktor.


Biglang dagdag ni Gina, “Matagal pa siya bago ikasal. I don’t know lang, ha? Pero she’s so in love kasi.”


Sa mga kuwentuhan daw kasi nila ay sinabi ni Bea na marami pa itong gustong gawin sa buhay.


Pagdating naman sa pag-arte ay wala rin siyang masabi kay Bea dahil prior to working together ay napanood na rin daw niya ang ilang pelikula ng aktres at alam niyang magaling talaga ito.


At napatunayan niya rin ito in person sa Start-Up Ph. Ramdam na ramdam daw niya si Bea kapag magkaeksena sila.


“She comes to the set prepared. She comes to the set early,” sey pa ni Gina.


Ginagampanan ni Gina sa Start Up Ph ang role ni Lola Ligaya (Mrs. Choi) na lola ng mga karakter nina Bea at Yasmien Kurdi. Siya ang mabait na lola na tutulong kay Good Boy or si Tristan na ginagampanan naman ni Alden Richards.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page