Kaunti na lang ang natotodas sa COVID-19, mas marami ang namamatay sa stress!
ni Ka Ambo - @Bistado | October 22, 2020
Umiskiyerda na ang Bagyong Pepito.
Yipeee!
◘◘◘
NA-wow mali si P-Digong sa datos ng bilang ng mga adik.
Typo error po!
◘◘◘
PAUUTANGIN ang mga negosyante para sa pambigay ng 13th month pay sa mga obrero.
Paano mababayaran ‘yan? I-DOLE out na lang!
◘◘◘
SUNUD-SUNOD ang lindol.
Ingat po tayo!
◘◘◘
NAUUSO na ang pagtatanim.
Green revolution part 2!
◘◘◘
LAGANAP ang korupsiyon.
Kinumpirma mismo ni PRRD!
◘◘◘
SINUSUNOG agad ang mga nakukumpiskang droga.
‘Yan ang pabalita ng mga agents!
◘◘◘
NAPUNO na ang mga dam.
Baha na naman ngayon ang panganib!
◘◘◘
LUMOBO ang presyo ng pork.
Natuwa ang mga may kolesterol!
◘◘◘
KAKAUNTI na lang ang namamatay sa COVID-19.
Mas marami ang namamatay sanhi ng stress!
◘◘◘
NAGREREKLAMO ang mga magulang sa online class.
Mahirap daw sagutin ang mga exam at quizzes.
‘Yan ang krisis!
◘◘◘
MARAMING magulang ang hindi maasikaso ang pagkuha at pag-submit ng modules.
Kaawa-awa ang mga nagdarahop na nagagambala sa paghahanapbuhay!





Comments