top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kauna-unahang LGBTQ rally sa Singapore, idinaos na

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2023
1 min read

ni Mabel Vieron | June 26, 2023





Marami ang nakiisa sa taunang rally ng LGBTQ na “Pink Dot” sa Singapore. Ito ang unang beses na idinaos ang naturang rally matapos ma-decriminalize ang gay sex noong nakaraang taon.


Nagwagayway ng rainbow flags habang suot ang kani-kanilang glittery make-ups ang mga kalahok sa isang Downtown Park.


Matatandaan na pinawalang-bisa ng parlyamento ng Singapore noong nakaraang taon ang British colonial-era law na nagpaparusa sa pakikipagtalik sa pagitan ng mga lalaki nang hanggang dalawang taon sa bilangguan, bagama’t ang batas ay hindi naipatupad.


Nagsimula ang “Pink Dot” gay rights rally ng Singapore noong 2009 na kinagiliwan ng karamihan sa kabila ng backlash mula sa ilang bahagi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page