Katy Perry, tatanggap ng Video Vanguard Award sa 2024 MTV VMAs
- BULGAR
- Aug 17, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @International Entertainment | August 17, 2024

Tatanggap si Katy Perry ng Video Vanguard Award sa 2024 MTV Video Music Awards sa susunod na buwan.
Bukod dito, inaasahan din ang pagtatanghal ng global pop star.
Kabilang sa mga nakaraang tumanggap ng nasabing gantimpala ay sina Shakira, Beyoncé, Nicki Minaj, Madonna, Janet Jackson, Jennifer Lopez, Rihanna, at Missy Elliott.
Magbabalik-entablado si Perry sa MTV VMAs sa unang pagkakataon mula noong 2017, kung saan siya ay nagtanghal at naging host ng award show.
Nakatanggap na ang pop singer ng limang VMAs sa kanyang karera. Nakuha niya ang kanyang unang tatlong award noong 2011: Video of the Year para sa “Firework,” Best Collaboration at Best Special Effects (pareho para sa “E.T.,” na tampok si Kanye West).
Mapapanood nang live ang 2024 MTV VMAs sa Setyembre 11 ng 8 p.m. (Eastern Time) mula sa UBS Arena sa Long Island, New York. Ang botohan ng mga fans online ay magsisimula sa Martes at magtatapos sa Agosto 30.








Comments