top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Katuwang kuwento ng korupsiyon sa lungsod ng Pasay

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2020
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 9, 2020



Matagal na nating binibigyan-diin na mas matindi ang korupsiyon sa LGUs kaysa sa mga sangay ng national government.


Hindi lang napapansin, pero nagkalat ang korup na alalay ng mga LGU executives!


◘◘◘


May nakatuwang kuwento ng korupsiyon dine sa lungsod ng Pasay.


Gamitan natin ng karakter na pang komedya sa Hollywood para hindi naman kahiya-hiya sa kanilang pamilya ang kalokohan ng mga kolokoy!


◘◘◘


Panoorin natin ang kababalaghan nina Shrek, Winne Da Pooh at Wimpy na pawang rumaraket sa Pasay City Hall para mapanatili ang kanilang lifestyle.


Si Shrek ay consultant sa city hall, pero huwag ka, supplier rin pala ng city hall.


Ngek!


◘◘◘


Aba’y ‘yan ang bulong ng ating amuyong sa FB Harrison.


Pamangkin pala nila Mayora at Congressman ‘yung padrino ng con‘suhol’tant na supplier.


Nakupo, safe na safe ang loko!


◘◘◘


Para kompleto ang skrip, may con‘suhol’tant at meron din Princess Fiona.


At dahil kay Princess Fiona, naka-kulimbat ng multi-million na kontrata si Shrek sa city hall.


Hala!


◘◘◘


Hindi katakataka kung bakit naging bundat si con‘suhol’tant, at mukhang patuloy ang pagtaba at paglaki sa panahon ng pandemya.


Hindi magpapahuli ang mga Katiwala na sina Winnie Da Pooh at si Wimpy kay Shrek sa raketan!


◘◘◘


Ayon sa ngasngas ng ating kuwagong taga-FB Harrison at Libertad, sina Winnie Da Pooh at Whimpy ay hindi katiwala kundi katiwaldas ni mayor.


Si Winnie Da Pooh pala ang nagmamando ng pay parking sa buong Pasay. Pero ang siste ay hindi nakapagre-remit si Winnie Da Pooh sa city hall sa loob ng dalawang buwan ang nakakaraan.


‘Yan, umalingasaw na ang baho ng kanyang facemask na isang buwan nang hindi pinapalitan!


◘◘◘


Ere naming si Tigger at ang iba niyang friends sa One Acre Woods ay naka-nganga sa kasalukuyan.


Ibang klase si Wimpy. Medyo high tech ang kanyang raket.


Si Wimpy ang pasimuno sa pag automate ng mga serbisyo ng city hall!


◘◘◘


Hindi mo makikita ang digital foot prints ni Wimpy kahit gumamit ka pa ng digital forensic. Hindi kaya siya iskolar ng bayan?


Sa ngayon sila Shrek, Winnie Da Pooh at Wimpy ay maaaring kumukunsumo ng bandehadong plato, pero kundi makontrol ang kanilang karaketan ay baka pati plato kasama ang kutchara’t tinidor ay lamunin na rin nila!


◘◘◘


Base sa ating mga nakakalap na impormasyon ay mabait, matulungin, masipag at rehilyosa si mayora.


Posibleng sila Shrek, Winnie Da Pooh at Wimpy ang ikabagsak ng mga Calixto sa Pasay kung magbubulagbulagan at magbibingibingian si mayora.


Abangan na lang natin sa Netpliks ang kasunod na kabanata!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page