Katutubo, pwede nang pumasok sa PNP, anuman ang height
- BULGAR
- Feb 22, 2024
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 22, 2024
Dear Chief Acosta,
Ako ay isang Lumad mula sa Mindanao. Pangarap kong magsilbi sa bayan bilang isang pulis, subalit ako ay nagdadalawang isip dahil ako ay pandak. Ano ang maipapayo ninyo sa akin? - Iko
Dear Iko,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Republic Act (RA) No. 11549 o ang “PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equity Act.” Binanggit sa Section 2 ng nasabing batas na:
Section 2. Section 30 of Republic Act No. 6975, as amended, is further amended to read as follows:
“SEC. 30. General Qualifications for Appointment. - No person shall be appointed as officer or member of the PNP unless he or she possesses the following minimum qualifications:
"(a) x x x
"(h) Must be at least one meter and fifty-seven centimeters (1.57 m.) in height for males and one meter and fifty-two centimeters (1.52 m.) for females: Provided, That a waiver for height requirement shall be automatically granted to applicants belonging to the cultural communities/indigenous peoples: xxx”
Base sa nasabing probisyon, ibinaba ng bagong batas ang height requirement o rekisito sa taas ng tao na nakalagay sa RA No. 6975 o ang “Department of the Interior and Local Government Act of 1990” na “one meter and sixty-two centimeters (1.62 m.)” na taas para sa lalaki at “one meter and fifty-seven centimeters (1.57 m.)” para sa mga babae.
Gayunpaman, tinanggal ang height requirement para sa mga kababayan natin na miyembro ng indigenous community o katutubo.
Kaya naman sa iyong kaso, pwede kang pumasok bilang isang pulis o miyembro ng Philippine National Police (PNP) anuman ang iyong height o taas dahil ikaw ay kabilang sa indigenous community.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon dito ay nakabatay lamang sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.
Maaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments