top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

KATRINA SUPLADA, KINAKAUSAP NANG MAAYOS, AYAW SUMAGOT

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | October 08, 2023




May pagka-suplada pala sa personal si Katrina Velarde na tinabihan pa namin sa lamesa bago pa man kami nagprograma.


Kasama rin si Katrina sa grupo nina Boobsie at McCoy dahil bitbit naman sila ng AMA Foundation.


Ipinakilala kami ni Boobsie bilang dati niyang manager, nina Regina at Ate Gay at isang opisyal ng AMA, at nagkakilala pa kami ng handler niya. Nasa isang table lang kaming lahat.


Palibhasa, fan din tayo ng style niya sa mga biritan, we really wanted to connect and have a brief chat with her, habang pinagaganda niya ang sarili (doing makeup po).


Chika-chika kami sa table nina Ate Gay, Boobsie, ganyan-ganyan at may tanong sa bago niyang 'Afam' jowa or what.


Napansin lang namin na every time kaming magtatanong sa kanya, super dedma ang lokah at parang wa' siyang naririnig. Considering na magkatabi lang kami, huh!


'Yun lang, naloka lang kami, hahahaha!


"Mabait 'yun, baka lang natatakot sa iyo dahil hindi pa siya tapos magpaganda," ang biro pa ni Ate Gay.


Kung bakit kasi hindi namin nakita ang sinasabing magic 'suklay' nito, hahahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page